Epilogue

18 1 0
                                    

Nang magising ako ay nasa ospital na ako. Pero bakit ako nandito? Anong nangyari? Nasaan ang mga tao? Ginalugad ko ang buong kwarto pero wala akong nakita. Ako lang mag-isa dito.

Ang tanging nakita ko lamang ay ang teddy bear na regalo sa akin ni kuya. Kulay puti ito dati pero ngayon may bahid na ito ng pula. Pula?! Bakit pula?!

Kasama rin sa teddy bear na ito ang sulat na ginawa ni kuya. Kinuha ko ito at binasa.

“Para sa pinakamamahal kong kapatid. Happy Birthday! Sana maging masaya ka ngayon. Lagi mo sanang tatandaan na mahal na mahal kita at kahit anong mangyari ikaw pa rin ang one and only baby girl sa puso ko. Hindi yun magbabago, kahit kailan.

Love,

Kuya Aldred

Ibig sabihin totoo pala lahat ng sinabi ni kuya. Hindi nya ako niloko. Ang tanga ko kasi di ko sya pinaniwalaan, pinairal ko ang galit at selos.

Kailangan ko tuloy humingi ng tawad sa kanya pati na rin kay Ana. Pero teka, nasaan nga ba sila? Si kuya? Kanina ko pa sya hinahanap ah.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla akong nakaramdam ng kaba. Tiningnan ko ang buong paligid. Hinanap ko muli si kuya.

Bakit hindi ko sya makita? Nasaan ka ba kuya?

LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon