10. Serious one

24.3K 642 15
                                    

       

Maaga na rin naman akong umalis sa office at ayoko ng magkasalubong pa kami ni Maddie.  Dumiretso na ako sa bahay ni Vlad at doon kami magpa – practice para sa gig namin bukas.

            Naabutan ko na doon si Vlad at Kyle na nag – aayos na ng mga gamit namin.

            "Wala pa si Lee?" tanong ko at kumuha ako ng beer sa ref na naroon.

            Umiling lang si Kyle at nagpatuloy sa pagtotono ng gitara nito.       

            Napakunot ang noo ko.  Lee is not yet here?  Pero maaga daw siyang pupunta dito sabi niya sa akin kanina.

            "Mukhang may pinopormahan si gago," narinig kong sabi ni Vlad.

            Lalong nangunot ang noo ko.  "Who?  Si Lee?" natawa ako.  "Are you sure?  Hindi naman marunong manligaw iyon."  I grabbed my drumsticks and I started slowly to hit my drums.

            "Mukhang type niya 'yung pinsan ni Ciara," sabat ni Kyle habang abala pa rin sa pagtotono ng gitara.

            Nawala ang ngiti ko sa labi.  Bakit ba parang naiinis ako?  Wala namang kuwenta sa akin kung ligawan o maging syota ni Lee ang babaeng iyon.  Pero nakakainis talaga.  Hindi ko maintindihan.  Napaka – arte niya kasi at hindi siya bagay kay Lee.

            "Lee doesn't like her kind," tanging sabi ko.

            Nakita kong napakunot ang noo ni Kyle sa akin.  "Why?  Maybe Lee got tired of screwing those groupies that are following us.  Maybe he wants to be serious this time.  Maddie is that kind.  A serious one," sagot niya sa akin.

            Hindi ako nakasagot.  Bakit parang natakot ako sa sinabing iyon ni Kyle?  Lee is serious with Maddie?

            Pare – pareho kaming napatingin sa pinto ng makita namin na dumadating si Lee at may kausap sa telepono.

            "Thank god he is here," mahinang bulalas ni Vlad at tumayo na.

            "Yeah. I am here.  Maybe we will be finished after three hours.  I still can pick you up," narinig kong sabi niya sa kausap.  Sumesenyas siya sa amin na sandali lang.

            Nakita kong tumatawa si Kyle at tumingin sa akin.

            "I told you.  He is serious." Sabi ni Kyle.

            Tumingin ako sa gawi ni Lee at nakita kong masaya siya sa kausap niya.  Who could it be?  Is it Maddie?

            "Are you still free for a dinner tonight?" narinig ko pang sabi niya sa kausap.

            Malakas kong hinampas ng drumsticks ang drumset ko.  I made a banging sound na alam kong sobrang ingay at hindi magkakaintindihan si Lee at ang kausap niya.

            Nakita kong sinamaan ako ng tingin ni Lee at pinatay nito ang telepono.  Tapos ay ibinulsa iyon.  Walang imik nitong kinuha ang bass guitar niya.

            "Tapos na kayo mag – usap ng kausap mo?" patay – malisya kong tanong at mararahan na ang palo ko sa drumkit ko.

            "Ulol ka, eh.  Sinisira mo diskarte ko," inis niyang sagot sa akin at itinono niya ang gitara niya.

            "Is it Maddie?" tanong ni Kyle.

            Nakita kong ngumiti si Lee at tumango lang tapos ay kinalabit – kalabit nito ang suot na bass guitar.

Rock my Heart (BLACK SLAYERS SERIES 1) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon