Tahimik lang akong kumakain ng breakfast. I woke up early today para makabawi naman ako kay dad. I am waiting for his daily monologues pero tahimik lang siya at busy sa pagbabasa ng diyaryo kaya mas lalo akong kinakabahan.
"Mukhang hindi ka napuyat," narinig kong sabi niya kahit nakatutok ang atensiyon niya sa binabasang diyaryo.
"I need to be early in the office. Tumawag ang sekretarya ko at marami daw meetings today," sagot ko.
"Hmm," tanging sabi niya at itiniklop ang diyaryo tapos ay nagsimulang kumain.
This is strange. My dad is in good mood. Kakaiba ito at kinakabahan ako.
"Maghapon ka bang wala sa office today?" tanong pa niya.
"May meeting ako ng 10. Aalis ako sa office ng 3PM," sagot ko. May band practice kami kasi may gig kami bukas.
Tumango – tango si daddy.
"An employee from MA Enterprise will be closely working with you starting today," sabi ni daddy.
"What? Work with me? Bakit?" Sabi ko na. Kapag ganitong hindi ako sinisermunan ni daddy, sigurado akong may nilulutong kakaiba ito.
"Our company needs to work with Peter's company which is MA Enterprise. It's a good thing pumayag si Peter na makipag – collaborate sa atin kahit pa nga disaster ang nangyari sa date 'nyo ng anak niya kagabi," at parang napailing si daddy ng maalala ang nangyari kagabi. "I didn't know that Peter's daughter was like that."
Natatawa akong sumubo ng pagkain.
"Bagay talaga kayo. 'Di ba ganoon ang mga babaeng nakukuha mo sa pagbabanda mo."
"Dad please. Can we stop talking about my band? Hindi ko naman pinapabayaan ang trabaho ko sa kumpanya. First time ko lang nasira kahapon," katwiran ko.
"Yes. That was your first. But that first almost cost us the whole company," napahinga ng malalim si dad na parang bang pinipigil lang ang talagang magalit. "Pinapabayaan naman kita diyan sa pagbabanda mo but please grow up. Hindi habambuhay papalo ka na lang ng drumset."
Napahinga na lang ako ng malalim at ibinaba ang kubyertos ko. Nawalan na ako ng gana.
"I'll go ahead. See you in the office," sabi ko.
"May flight ako for Hongkong today. I'll be gone for a week," narinig kong sabi niya habang papaalis ako doon.
"Good," mahinang sabi ko. Pero siniguro kong ako lang ang nakarinig noon.
Agad akong sinalubong ng sekretarya kong si Daisy ng makita akong papasok.
"Sir Lars, nabanggit na po ba ng daddy 'nyo na –"
"Yes. Ano bang mangyayari?" wala akong ideya sa gusto ng daddy ko.
"Kapag dumating na lang daw po 'yung representative ng MA Enterprise saka na lang daw I – discuss. 'Yung meeting 'nyo with Mr. Santos today ng 10 am ay cancelled. Tumawag po ang secretary ni Mr. Santos kasi may emergency daw sa school ng anak. Kung okay lang daw na ipa – move sa Thursday. Same time."
Napahinga ako ng malalim. Buti naman. Wala ako sa mood makipag – meeting kasi ngayon.
"'Yung meeting namin ni Lee about sa Creatives tuloy ba?" ngayon ko lang naalala iyon. Ang company kasi ni Lee ang nagha – handle ng marketing and creatives ng company namin. Kahit naman nagba – banda kami gabi – gabi, we make sure that we have our own day jobs. Alam namin na hindi pang – matagalan ang banda. Talagang iyon lang ang gusto namin.
BINABASA MO ANG
Rock my Heart (BLACK SLAYERS SERIES 1) (COMPLETE)
RomanceLars and Maddie are the exact opposite of one another. The first time they meet, they already clashed because of different points of view in life. The second time, it was a date set up by their parents and it was a disaster. A roller coaster lov...