5. Gifted

26.1K 711 11
                                    

       

"Damn it!  Shit!" hindi ko mapigil ang sarili ko na magmura habang nasa loob ako ng cr ng Shangri – La.  Inis na binura ko ng tissue ang black lipstick ko at naghilamos ako para matanggal ang make up ko sa mukha.  Tinanggal ko din ang mga metal necklaces sa leeg ko at itinapon iyon sa basurahan.

            "Buwisit na lalaki.  Ang kapal ng mukha niya!  Anong akala niya sa sarili niya?  Sex God?  Hulog siya ng langit para sa mga babae?  Kung hindi pa siya mukhang durugista," para akong siraulong nagsasalita mag – isa habang sinusuklay ang buhok ko.

            Napahinto lang ako sa pagsasalita ng may pumasok na dalawang babae sa loob.  Nakataas ang kilay na tiningnan nila ako kaya inirapan ko lang sila at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.  Wala akong pakielam sa kanila.

            "Have you heard that Lars is in Tanya's room right now," narinig kong sabi ng isang babae habang nagre – retouch ng make up.

            "Lars?  Lars Rodriguez?  As in Lazarus Keith Rodriguez?  'Yung drummer ng Black Slayers?" napa – rolyo ang mata ko sa arte ng pagsasalita ng babae sa tabi ko.  Parang gusto ko siyang tusukin ng hawak niyang eyeliner.

            "Yes!  Nakakatawa kasi Tanya sent me a picture of him wearing a dorky outfit.  But he still looks hot!  Tingnan mo," at nakita kong ipinakita ng babae ang telepono sa kasama.  Pareho pa silang nagtilian ng makita iyon.

            "Oh my god!  What room?  I'll go there!  Grabe ang abs puwede ng pang – ulam!" at tumili pa ang babae.

            I peeked at the phone at napataas ang kilay ko sa nakita ko.  Picture nga ni Lars ang naroon.  But this time, his well combed hair earlier is already in disarray.  His thick glasses is on his face,  he doesn't have any pants on but only boxers and his longsleeves polo is unbuttoned kaya kita ang abs niya.

            At totoo nga ang sinabi ng babaeng ito.  Puwedeng pang – ulam ang abs ng gagong iyon!

            "Excuse me, you are invading our privacy.  Bakit ka ba nakikitingin sa phone ko?" narinig kong mataray na sabi ng babae sa akin.

            Shit.  Nakita pala ako.

            "Hindi ko naman sinasadya.  Nakaladlad kasi.  Sino ba 'yang tinitingnan 'nyo?  Si Lars ba 'yan?" I just said that para naman hindi ako masyadong mapahiya.

            Nakita kong tinaasan ako ng kilay ng babae.  "You know him?"

            I rolled my eyes.  "Of course I know him.  Hello?" and I showed them my outfit.  "I am always at their gig.  Saka girlfriend ang pinsan ko ni Kyle," sabi ko.  Akala ng mga babaeng ito sila lang ang nakadikit sa Black Slayers kuno na ito.

            Nakita kong namilog ang mata ng babae.

            "Really?  So you know all of the band?" parang gusto na niyang maging friendly sa akin ngayon.

            "Of course," teka.  Sino nga ba 'yung dalawa?  Naku, ano ba 'yan.  Nakalimutan ko pa ang pangalan.

            "You know Lee and Vlad, too?" sabi pa ng babae.

            Oo nga.  Si Lee at Vlad nga pala.  "Yes," confident kong sagot.

            "Oh my god!  How are they?  Ang sabi all of them are good in bed lalo na daw si Lars!" at tumili pa ito.

            "Yeah.  A friend of mine used to date him," pagsisinungaling ko.  Napangiti ako ng may maisip akong kuwento.  "But you know, chika ng friend ko sa akin, ha?  Kaya daw sila nag – break kasi Lars is masyadong mahilig daw," sabi ko.

Rock my Heart (BLACK SLAYERS SERIES 1) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon