28. Confession

23.6K 679 41
                                    

"What the hell happened, Lars?" Iyon agad ang bungad sa akin ni Ciara ng makarating ito sa office ko.

Masama akong tumingin kay Tanya na nanatiling nakaupo sa couch sa office ko. Nagkukuyakoy pa siya ng paa at umirap ng dumating si Ciara. I don't know what to do with this woman. Ang kulit niya! Ayaw niyang umalis!

"It was just a misunderstanding," sagot ko at muli kong sinubukan na tawagan si Maddie. Pero ayaw talaga nitong sagutin ang telepono niya.

"Don't bother. Hindi sasagot iyon kasi kahit ako ayaw niyang sagutin," inis na sabi ni Ciara at tiningnan ng masama si Tanya. "Anong ginagawa ng babaeng iyan dito?"

"Excuse me. Wala kang pakielam kung nandito ako. I am visiting Lars," sagot nito.

"Kapal ng mukha mo! Ikaw ang may kasalanan kaya nagkaleche - leche lahat, eh!" At parang hindi na nakapagpigil si Ciara at sinabunutan nito si Tanya.

"Stop it!" Awat ko at pinaghihiwalay ko silang dalawa.

"Ano bang problema ng babaeng iyan? May gusto ka rin ba kay Lars? Hindi ka makuntento! Syota mo na si Kyle, pati si Lars inaaswang mo!" Sigaw ni Tanya.

"Gaga ka talaga! Kakalbuhin kita!" Galit na sigaw ni Ciara at akmang hahablutin ulit si Tanya pero pinigil ko na siya.

"Please Tanya. Please get out. Kaninang - kanina pa kita pinapaalis. Please have some respect for yourself," pakiusap ko sa kanya.

"What did you say? Who are you? Kailan ka pa nagkaganyan?" Tumatawang sabi niya. Parang hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko.

Napailing lang ako. Ito ang iniiwasan ko kaya ayoko talaga ng mga booty calls na umuulit. They are becoming clingy. Inaasahan nila na magkakaroon kami ng deeper relationship bukod sa sex.

"Umalis ka na before I call the guards," sabi ko.

Inirapan niya ako at padabog siyang tumayo.

"Your fucking loss, asshole! Find someone who can do like what I did to you!" At para siyang nagma - martsang umalis doon.

Para kaming nakahinga ng maluwag ni Ciara ng lumagabog ang pinto pag - alis niya.

"What happened?" Galit na baling sa akin ni Ciara. "She was crying. I don't know where to find her!"

Napaupo ako sa couch at napasabunot ako sa buhok ko. Umiling - iling lang ako.

"Don't you like my cousin even just a bit? Asawa mo na si Maddie tapos nandito pa si Tanya. Sobra ka naman, Lars! Kahit napilitan ka lang sa kasal na ito, i-respeto mo naman ang nararamdaman niya," himig sermon ni Ciara.

"It was not my fault. Bigla na lang dumating si Tanya dito tapos hinalikan ako. That's what she saw. I was trying to explain to her," sabi ko.

"Gago ka. Saan natin hahanapin iyon? Alam mo bang sobrang depressed siya ng tumawag siya sa akin. She was telling me bakit hindi mo siya magustuhan pero ang pokpok na si Tanya, pinapatulan mo," sabi ni Ciara.

"What? I like her. I fucking love her. Siya nga ang may ayaw sa akin. She likes Lee hindi ako," sagot ko.

"You both are stupid. Hindi kasi kayo nag - uusap!" Galit na sigaw niya sa akin.

Pareho kaming napatahimik ni Ciara ng tumunog ang telepono ko. Napahinga ako ng malalim ng makilala ko kung sino iyon.

"What do you want, Lee?" Seryosong sabi ko.

"Where is Maddie?" Tanong niya.

"Why are you looking for my wife?" Inis na sagot ko. Parang bumalik sa isip ko ng makita ko silang magkayakap ni Maddie.

Rock my Heart (BLACK SLAYERS SERIES 1) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon