Simple lang pero ang sosyal ng bahay na hinintuan namin. Sa isang subdivision iyon sa Parañaque. Bungalow type asian inspired house. Bahay ba ito ni Lars?
Bumusina siya at isang lalaki na nasa edad fifty siguro ang nagbukas ng gate para sa amin. Wala pa rin siyang imik. Bumaba lang siya sa sasakyan at ibibigay sa lalaki ang susi.
"May luto ba si Ate Salve? Nagugutom kasi ako," narinig kong sabi niya. Hindi man lang niya ako nililingon kahit nasa loob pa rin ako ng kotse niya. Hindi ko kasi alam kung bababa ako kasi wala naman siyang sinasabi.
"Hindi mo naman nabanggit na uuwi ka dito, Lars. Parang hindi yata nagluto si Salve. Pero pwede ko naman siyang sabihan," narinig kong sagot ng lalaki at tumigin sa akin. Alam kong gusto niyang magtanong kung sino ako.
Huminga ng malalim si Lars. "Pakisabi kay Ate Salve pakidalhan na lang ako ng juice sa kuwarto," at dire - diretso ng pumasok sa loob ng bahay niya.
At ako. Anong gagawin ko dito? Wala man lang siyang sinabi kung bababa ba ako sa kotse niya o mabuburo ako dito. Huminga ako ng malalim at bumaba. Alam kong hindi rin alam ng lalaking Ben ang pangalan kung anong gagawin niya sa akin.
"Kuya Ben, pakituro na lang sa kanya kung saan ang guest room. Inaantok ako. Ayokong maistorbo," at iyon lang dire - diretso na siyang nawala sa paningin ko.
Parang gusto kong umiyak kasi parang napapahiya ako. Paano ba ito? Paano ba ang sitwasyon namin? Hindi man lang niya ako pinakilala sa mga tao dito sa bahay niya. Baka akala ng mga ito kung saan lang ako napulot ni Lars dahil sa itsura ko.
"Mam, halika po. Dito po ang kuwarto 'nyo," kita ko ang alanganing ngiti ng lalaki.
"Maddie na lang po," sagot ko.
"Tawagin mo na lang akong kuya Ben," sabi niya. "Eh, 'wag ka sanang magagalit pero ano ka ba ni Lars? Girlfriend ka ba niya?" Hindi na siguro siya nakatiis na magtanong.
Hindi agad ako nakasagot. Ano nga bang sasabihin ko?
"Asawa ko 'yan, kuya Ben. Asawa sa papel," narinig kong sabat ni Lars. Napatingin ako sa kanya at naka boxer shorts na lang siya at naka sando. Parang naka - shower na agad.
Napakunot ang noo ni kuya Ben. Parang hindi naintindihan ang sinabi ni Lars.
"Pakisabi na lang kay ate Salve paluto ng pagkain. Baka magreklamo 'tong asawa ko," at diniinan pa niya ang salitang asawa. "Magsumbong pa sa tatay niya na ginugutom ko." Sabi pa niya.
"Ano ba ang problema mo? Kung ayaw mo 'tong sitwasyon na 'to, mas lalo ako. Even in my wildest dream, hindi ko pinangarap maging asawa ang katulad mo. Saka bakit ka kasi pumirma - pirma? Bakit hindi ka na lang tumakas?" Hindi na ako nakatiis na hindi sumagot.
"So your dad would hunt me?" At tumawa siya ng nakakaloko. "I signed the marriage contract to satisfy your dad and my dad. Yes. I can be your husband on paper but don't expect me to be your husband in your life. Hindi pa ako ready na matali. I can do whatever I want. And ganoon ka din. Huwag kang mag - alala at hindi ko din papakielaman ang mga gagawin mo." Sabi pa niya.
Natawa ako. "Really? Pero kelangan mong sabihin kay Lee na hindi na siya puwedeng tumawag sa akin dahil asawa mo na ako?"
Nakita kong sumeryoso ng mukha si Lars. "So gusto mo nga na tumatawag sa iyo si Lee?"
Inirapan ko siya. "I don't see anything wrong with that. Saka sa 'yo na din naman nanggaling, sa papel lang tayo kasal at magagawa ko ang lahat ng gusto kong gawin. I think that is a nice set-up. Wala tayong pakielaman. And about Lee, he is a nice guy and I like him," sabi ko at binalingan ko si kuya Ben. Kitang - kita na naguguluhan talaga siya sa amin ni Lars. "Kuya, san ang kuwarto ko?"
BINABASA MO ANG
Rock my Heart (BLACK SLAYERS SERIES 1) (COMPLETE)
RomanceLars and Maddie are the exact opposite of one another. The first time they meet, they already clashed because of different points of view in life. The second time, it was a date set up by their parents and it was a disaster. A roller coaster lov...