Where will I bring her? Hindi ko siya puwedeng iuwi sa kanila ng ganito. Hindi ko rin naman maaasahan si Ciara ngayon dahil alam kong lasing din ang babaeng iyon. Lalong no way na dalhin ko siya kay Lee. Ano ko gago? Totally erase na ang idea na iyo.
Medyo kumalma ng bahagya si Maddie sa pag - aalburoto nito. Although she is still complaining of feeling hot, hindi naman na niya tinatanggal ang isinuot ko sa kanyang polo ko.
Itinuloy ko ang kotse ko sa Summer Rose hotel sa Makati. All of the band members of Black Slayers has our own room there na alam ng mga staff na para sa amin lang. We have our own arrangements with the owner and our friend Carmelo Fernandez. I dialled his number kahit alam kong gabi na.
"Speaking of the devil. Ikinukwento lang kita sa asawa ko tapos tinawagan mo na ako," natatawang bungad niya ng sagutin ang tawag ko.
"Ayusin mo ang kuwento tungkol sa akin kasi baka kapag ako ang nagkuwento sa asawa mo, iiwan ka niyan," sagot ko sa kanya.
"Gago," at humahalakhak siya. "Anong kailangan mo at napatawag ka ng alanganing oras?"
"I need my room tonight," sagot ko sa kanya.
"O? I thought dun ka sa bahay ng daddy mo muna?"
"I just need it." Sabi ko.
"Oh, I get it," at tumatawa na ito. "Lars, you know my rules. No drugs." Sabi niya sa akin.
"Gago! Kailan mo ba ako nakitang gumamit? Ako pa ba?"
"Nagpapaalala lang ako. Alam ko naman ang buhay ng mga nagbabanda," sagot niya sa akin.
"Judgemental mong ungas ka, ha? Kasama ka din namin 'non kaya huwag kang magmalinis," sabi ko.
"Noon pa 'yun," at natawa siya. "Sige na. Alam naman ng mga staff doon ang arrangements natin. Basta you know my rules," kulit pa nito.
"Yes dad," pang - iinis ko sa kanya. "Thanks bro. Call you again soon. Send my regards to the wife." At pinatayan ko na siya ng telepono.
I talked to the staff of the hotel if possible na sa likod kami dumaan ni Maddie. Iwas na rin ako sa mga tao dahil siguradong may makakakilala sa akin. Kung ako, walang problema. Sanay ako sa mga ganito. But I am thinking about Maddie's welfare. Pagpipiyestahan siya ng mga tao lalo na nga sa kalagayan niya.
Maddie is still uneasy ng bumaba kami sa kotse at sumakay sa service elevator. She is just wearing my polo and nothing under it. Inaalalayan ko siyang maglakad. Napalunok ako ng maramdaman kong pumulupot ang braso niya sa bewang ko at yumakap ng mahigpit sa akin.
"It is still fucking hot. Ano ba ang nangyayari, Lars?" Nakita kong kunot na kunot ang noo ni Maddie habang nakakapit sa akin.
I cleared my throat kasi dikit na dikit ang katawan niya sa akin. She is wearing nothing under this polo. Ang sexy nga niyang tingnan kasi she is wearing my clothes.
"It will wear off I promise," sabi ko sa kanya ng palabas na kami sa elevator. Hindi ko na lang pinansin ang mga staff na naroon na alam kong naghihintay sa akin. Usually nakaabang sila para magpa - picture at magpa - autograph sa akin. But not tonight. Maddie is more important than anybody else.
She immediately went to the bathroom when we entered the room.
"Ang sarap! Shit!" Narinig kong sigaw ni Maddie sa loob ng bathroom. Napatawa lang ako at chineck ko siya sa loob kung anong ginagawa niya. At parang bigla akong nagsisi sa ginawa ko. I found Maddie sa tapat ng shower without any clothes on. Automatically I swallowed hard. She is totally naked and totally wet. Tang ina, kanina pa sumasakit ang puson ko.
Mabilis akong lumabas at dumukot ako ng sigarilyo sa bulsa ko at dumiretso ako sa balcony para mag - yosi. Shit! Shit! Bakit ba ganito? Ano ba ito? Parusa ba ito? I can have sex with any other woman pero bakit hindi ko magawa kay Maddie? Puwedeng puwede ko siyang samantalahin ngayon pero ayoko. Hindi ako ganoon. If I want to have sex with her, mas gusto kong nasa matino siyang pag - iisip at alam niya ang ginagawa niya.
Napatingin ako sa loob at nakita kong basang - basa si Maddie na lumabas ng banyo. And she is still naked! Mabilis kong pinatay ang hawak kong sigarilyo at pinuntahan ko siya. I took a towel at tinulungan ko siyang tuyuin ang sarili niya. She went to the bed. I think the drugs is starting to wear off kasi parang medyo nagiging normal na siya.
"Feeling better?" Tanong ko sa kanya.
Tumango lang siya at nanatiling nakaupo sa kama. I covered her naked body with the comforter.
"Lars," narinig kong sabi niya at tumingin siya sa akin.
"What? Do you need anything?" Tanong ko.
Tumango siya. "Have sex with me tonight. It is still hot. Kahit anong gawin kong ligo hindi maalis ang init ng katawan ko. Ano ba ito?" Nakita kong naiiyak na siya.
Napalunok ako. Tang ina, Maddie. Don't do this. Hindi ko alam kung hanggang saan ko kayang magpigil.
"Listen to me. The iced tea that you consumed earlier has some drugs. Somebody put it in my drink. You don't want to have sex with me, okay? It's just the drugs," sabi ko sa kanya.
Nakita kong tuluyan na siyang napaiyak.
"I am not like this but I cannot control myself. Please. Have sex with me," talagang tonong nagmamakaawa na siya.
Napapikit ako ng mariin. This is fucking torture! Of course I want to have sex with her pero hindi ganito. Ayoko ng ganito.
I need to do something bago pa ako bumigay. Napatingin ako sa gawi ng bar at nakita ko ang ilang bote ng miniature alcoholic drinks. Kinuha ko ang dalawang vodka at isinalin iyon sa baso tapos ay nilagyan ko ng konting soda.
"Here, drink this. It will make you feel better I promise," sabi ko sa kanya.
I know hindi marunong uminom si Maddie and I am sure once na ininom niya ito, siguradong knock out na siya.
Sinunod naman niya ang utos ko. Inubos niya ang laman ng baso. Umiiyak pa din siya when I helped her lay on the bed.
And in just a couple of minutes, I found her sleeping already. Parang doon lang ako nakahinga ng maluwag.
Nagpunta ako sa bathroom para ako naman ang maligo. Kailangang - kailangan ko iyon. Sinuot ko na lang ulit ang boxer ko at doon na lang ako nag - stay sa couch. I need to rest. Parang pagod na pagod ako ngayong gabi.
I received a text from Lee asking me if how is Maddie and where are we. I told him where we are staying and told him that everything is fine now.
Yes. Everything is already fine for now.
Or, that's just what I thought...
BINABASA MO ANG
Rock my Heart (BLACK SLAYERS SERIES 1) (COMPLETE)
RomanceLars and Maddie are the exact opposite of one another. The first time they meet, they already clashed because of different points of view in life. The second time, it was a date set up by their parents and it was a disaster. A roller coaster lov...