21. Ramification

21.8K 688 26
                                    

Kanina pa nakaalis sila daddy pero nanatili lang akong nakaupo sa kama at si Lars ay nakaupo lang sa couch na parang ang laki - laki ng problema.

"Maddie," si Ciara ang narinig kong nagsalita.

Kitang kita ko ang pagsisisi sa mukha ng pinsan ko ng tumingin ako sa kanya.

"I don't know what happened. Last time I remember I was with you. And now, I am in this kind of mess," umiiyak na sabi ko.

"I am so sorry. I tried everything para mapigilan sila Uncle. Sumugod kasi sila sa bahay ko buti na lang nakaalis na si Kyle. They were asking where are you kasi hindi ka daw makontak last night," sagot niya sa akin.

"She forgot her phone in my car," sabat ni Lars. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakayuko lang siya.

"And ng hindi ka makita nila Uncle sa bahay, nagwala na sila. Muntik pa nga silang magpunta sa pulis para mag - file ng report that you are missing. Then may nagpadala sa kanya ng mga photos from the internet. It was all over social media," napangiwi pa si Ciara ng sabihin iyon.

Lalo akong napaiyak ng maalala ko iyon.

"I'll do something about that," muli ay sabi ni Lars.

Napahinga ng malalim si Ciara.

"Akala ko malaki na ang problema ko kay Kyle. Pero mas malaki ang problema 'nyong dalawa. What are you going to do now?" Tanong ng pinsan ko.

Hindi ako nakasagot at tumingin ako kay Lars na nakayuko pa rin na parang aburidong - aburido sa nangyayari.

"Nothing happened between us 'di ba?" Sabi ko kay Lars.

Nakita kong nag - angat siya ng ulo at tumingin sa akin tapos ay umiling.

Hindi ko alam kung bakit parang nadismaya ako sa sagot ni Lars. Deep inside, I was hoping na sana ay may nangyari na nga lang sa amin.

Tumayo si Lars at nagsuot ng pantalon.

"This is just a freaking huge mixed up. Hindi lang naiintindihan ni daddy kung anong nangyari. I was just - just -" hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Kasi kahit ako hindi ko alam kung anong nangyari sa akin kagabi.

"Can you tell your dad that you were under the influence of drugs kaya nangyari sa iyo 'yan? Mads, mas lalong malaking problema 'yun!" Sabi Ni Ciara sa akin.

Drugs? Naka - drugs ako kagabi? Hindi nga ako marunong uminom ng alak tapos naka - drugs ako?

"You drugged me?" Baling ko kay Lars.

"What? What the fuck are you talking about?" Iritadong balik - tanong niya sa akin.

"That's why I don't remember anything!"

Inis na nagsuot ng t-shirt si Lars at bumaling kay Ciara.

"Maybe your boyfriend told you everything what happened last night. Paliwanag mo diyan sa pinsan mo kung anong nangyari sa kanya. I was trying to be a good samaritan last night tapos ito pa ang mangyayari sa akin," galit na sagot niya. Nagsusuot na ito ng sapatos ngayon. "Kung hindi kayo nag-drama - drama ni Kyle kagabi, hindi naman mangyayari ito."

Nagtataka akong napatingin kay Ciara.

"If you don't like what is happening right now, lalo na ako," baling sa akin ni Lars. "What will happen to me now? I didn't do anything to you dahil hindi ko ugali ang magsamantala ng babae lalo na nga at wala sa sarili. And besides, I told you, I don't fuck virgin women," sabi pa nito at tumungo sa veranda para magsindi ng sigarilyo.

Rock my Heart (BLACK SLAYERS SERIES 1) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon