32. Perfect fit

32.8K 949 98
                                    

This is the last chapter for this story. Again, I would like to thank everyone who read this story. Thank you, thank you. God bless always ❤️

P.S.

Second story from Black Slayer novel is Kyle and Ciara's story CHASING CIARA.  On going story.  I hope i-follow 'nyo din.  Next would be Lee and Vlad's story so abang lang.

Herby M.

---------------->>>>>>>>

Hindi ko na ipinasok sa garahe ang kotse ko ng dumating ako sa bahay. Hindi ko na nga pinansin si Kuya Ben ng salubungin ako. I need to see Maddie. I need to talk to her.

"Maddie! Maddie!" Sigaw ko habang papasok ako sa kuwarto namin.

"Lars, umalis si Maddie kanina pa. May bitbit na mga gamit, eh. Tinatanong ko kung saan pupunta hindi naman sumasagot. Iyak lang ng iyak," si Kuya Ben ang sumagot noon.

Mahina akong napamura. Parang gusto kong tawagan at murahin ang tatay ni Maddie. Ganoon din ang gusto kong gawin sa daddy ko. Napakagago. Para kaming pinaglaruan.

Kaya nga hindi na ako mapakali habang pabalik dito. Lalo na nga ng tumawag si Maddie sa akin at pinag - iisipan niyang niloloko ko siya na nandito lang ako sa Manila. The video that she saw was taken last year pa. Ipinost lang uli sa page ng band.

I tried calling her again pero patay na ang telepono niya.

"Shit!" Naibulalas ko at muli akong lumabas. I don't know where to find her. Wala siyang ibang pupuntahan dahil wala na si Ciara. Sigurado akong umuwi siya sa kanila.

Halos paliparin ko ang kotse ko makarating lang ng mabilis sa bahay nila Maddie.

Kulang na lang ay masira ang doorbell sa bahay nila dahil sa sunod - sunod kong pagpindot doon. Isang may - edad na helper ang nagbukas sa akin.

"I want to see Maddie," sabi ko.

"Ay, Ser. Wala po si Maddie dito. Nag - asawa na kasi iyon. Hindi na siya dito nakatira," sagot ng helper sa akin.

"I am her husband! I want to see her," wala akong panahon sa lokohan.

"Lars, get inside. We need to talk," narinig kong sabi ni Mr. Ignacio.

"What the hell did you do? Why did you tell her about the fake marriage?" Galit na sabi ko.

"She needs to know. And you need to know it too. Kasalanan namin ito ni Jaime," sabi niya sa akin.

"I knew it from the start! Daddy told me from the beginning about this fucking fake marriage," galit na sagot ko.

Nakita kong nagulat si Mr. Ignacio sa sinabi ko.

"You knew?" Gulat na gulat siya.

"Magmula ng pilitin 'nyo kami na magpakasal kuno ni Maddie. My dad told me everything. I know you just did that para ma-secure mo ang partnership with our company. What kind of a parent are you? Ipapamigay mo kung kani - kanino ang anak mo para lang sa kumpanya mo?" Kung hindi lang ito daddy ni Maddie, baka kanina ko pa ito nasuntok.

"You don't understand. I love my daughter. I want the best for her. I thought you are a decent guy. Pero ng malaman ko ang ginagawa mo gabi - gabi, my daughter doesn't deserve you. She deserves someone better than you," sagot niya sa akin.

"Why? Because I am in a band? Because I drink? I smoke? I slept with lots of women?" At natawa ako. "Yes. I am that guy. But you know, only Maddie made me whole like this. She loves me for who I am and I love her too."

Rock my Heart (BLACK SLAYERS SERIES 1) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon