11. Kissing Game

24.2K 683 20
                                    

       

Johnny's Bar is full of customers tonight.  Parang ayoko ng tumuloy kasi sa labas pa lang marami ng tao naka – tambay at mga nagsisigarilyo pa.  Just the same ng mga taong nakita kong sumusunod sa banda nila Lars.  Napasimangot ako ng maisip ko ulit ang lalaking iyon.  Bakit ko ba siya naiisip?  Naiinis kaya ako sa kanya kasi ang hambog niya.  Ang yabang niya.  Nakakainis siya.

            Kaya nga gusto ko ng matapos ang trabaho ko na ibinigay ni daddy.  Kung puwede ko lang tapusin iyon ng isang buong araw para hindi na ako pumasok pa bukas sa opisina nila at hindi ko na siya makita.

            Huminga na lang ako ng malalim at naglakad para makapasok ako sa loob.  Hindi ko na pinansin ang mga tingin ng mga tao sa akin doon kasi nga naman para lang akong naligaw kasi naka – corporate suit pa ako.  Hinubad ko na nga lang ang blazer ko kaya pencil cut skirt and sleeveless polo na lang ang suot ko.  Hindi lang ako makapagpalit ng sapatos kasi hindi ko nadala ang flats ko kaya nagtitiis ako sa suot kong three inched high heeled stiletto.

            Where are you?

            Text ko kay Ciara habang naglalakad ako papasok sa loob.

            We are here sa VIP.  Sabihin mo lang kay Bruce 'yung bouncer na you're with Kyle.  Kilala naman sila dito.

            Isinilid ko sa bag ang phone ko at dire – diretso na akong pumasok.  Agad akong hinarang ng dalawang bouncer ng dumiretso ako sa VIP lounge.  Nakita kong may mga babae doon at ilang mga lalaki din.

            "VIP section dito mam.  Hindi kayo puwedeng pumasok kung walang invitation," sabi sa akin ng bouncer.

            "I am with Kyle's group.  You can tell her it's Maddie," sabi ko.

            "I got this, Bruce.  She's with me," narinig kong sabi ng kung sino mula sa likod.

            Napasimangot ako ng makilala ko kung sino ang lalaking iyon.  Akala ko naman kami – kami lang nila Ciara at Kyle ang nandito saka ibang friends nila.  Ano naman ang ginagawa ng Lars na ito dito?

            "What are you doing here?" tanong ko sa kanya at hinarap ko siya.

            He is not wearing the Armani suit anymore.  He changed to his night life persona.  Tight jeans, black boots, ripped shirt with , unkempt hair and he didn't even shaved.  Parang mga three days na hindi naligo ang itsura but still, he looks so hot.

            Damn it.  Ano ba?  Get a grip, Maddison.  Mukhang durugista pa rin siya.

            Pilit kong isinaksak iyon sa utak ko.  Pilit kong inaalis ang mga naiisip kong kalaswaan kasi parang naalala ko 'yung nakita kong picture niya sa cellphone ng mga babae sa cr na nakalabas ang abs niya.

            Nakita kong napataas ang kilay niya sa akin at parang natawa pa.

            "This is our hangout for tonight.  Black Slayers will be here.  What are you doing here?" balik – tanong niya sa akin.           

            Inirapan ko siya.  "Ciara invited me."

            Narinig kong napa – oh siya at ngumisi.

            "I think I am going to enjoy this night with you Ms. Virgin Island," alam kong nang – iinis siya.

            Mabuti na lang at nakita kong papalapit sa amin si Ciara at agad na kumapit sa akin.

            "Akala ko hindi ka na pupunta," sabi niya at pahila akong inalis doon.  Alam ko naman na nakasunod sa amin si Lars.

            "Buti nga sana hindi na lang ako pumunta dito.  Dapat yata nagpahinga na lang ako sa bahay," sagot ko.

Rock my Heart (BLACK SLAYERS SERIES 1) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon