22. Married Couple

22.3K 723 39
                                    

    Nanlalaki ang mata ni Maddie na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

     "So inaamin mo na may nangyari sa inyo ng anak ko?" tanong ni Mr. Ignacio.

     "Will it change everything if I said that nothing happened between us?" At napatawa ako.  "You don't believe your own daughter so why would you believe me if I said that nothing happened to us."

     Saglit na natigilan si Mr. Ignacio sa sagot ko.

     "Still, if you want me to marry her I'll do that." sabi ko.

     "Dad, he is just confused.  He doesn't want to marry me.  Maniwala ka," sabat ni Maddie.

     Nakita kong napahinga ng malalim si Mr. Ignacio.  Bahagya na itong kumalma.  I was still hoping na maaayos namin ang problema na ito kaya nire - reverse psychology ko siya.

     "Jaime, what do you think?" Baling nito kay daddy.

     "Lalaki ang sa akin, Peter.  Walang mawawala kay Lars.  And he is a man of his word.  I told you, I raised him to be responsible for his every action." Sagot ni daddy.

     Nakita kong kinuha ni Mr. Ignacio ang telepono niya at napapailing ng muling makita ang mga litrato namin ni Maddie.

     "Maddie is my only daughter and this is really hurting me," sabi nito at nakita kong nag - dial sa hawak na telepono.  "Mario, yes.  Peter here.  Busy ka today?" Tanong nito sa kausap.

     Parang nakakahinga ako ng maluwag kasi parang okay na ang tatay ni Maddie. Maybe he realized na mali ang desisyon niyang ipakasal kami ng anak niya.

     "Can you come over here in Summer Rose Hotel?  Yes.  Urgent lang.  I want you to marry my daughter and her boyfriend."

     "He is not my boyfriend!" Pagtatama ni Maddie.

     Napailing ako.  Shit.  And I thought everything is doing fine.  Napatingin ako kay dad.  'Yung tingin na parang nagpapasaklolo.  "Are you not going to do something about this?" Tanong ko sa kanya.

     "Lars, you told us you are an adult and responsible with all you did.  This is the consequence of what you did last night.  And I think it is better this way.  Baka mas lalo kang maging responsible sa lahat kapag nag - asawa ka." Sagot ni daddy sa akin.

     "But can't you see ayaw naman sa akin ng anak niya?  You are making a big mistake," nauubos na ang pasensiya ko.

     "Ayaw sa iyo pero magdamag kayong magkasama sa iisang kuwarto?  At aabutan namin kayo na pareho kayong halos hubad?  Wala naman kasing problema kung may kasama ka mang babae gabi - gabi.  Pero anak ni Peter ang kasama mo kagabi," sabi ni daddy.

    "Sa wala ngang nangyari sa amin," ang hirap - hirap makaintindi ng matatandang ito.  Napatingin ako sa gawi ni Maddie at nakita kong tahimik lang siyang nag - iisip.

    Napahinga na lang ako ng malalim.  Tingin ko pareho din naman kaming walang magagawa.  Her dad will do everything para panagutan ko daw ang ginawa ko kay Maddie.  Gusto kong tumawa ng malakas.  Tang ina!  Sana nga.  Sana nga ginalaw ko na lang si Maddie kagabi. 

     Wala pang 30 minutes ay dumadating na ang tinawagan ni Mr. Ignacio.  Umupo ang lalaki sa mesa namin at naglabas ng ilang mga papel.  Nabasa ko na kopya ng marriage contract iyon.  The man he called is a fucking judge.

     "Ayoko na ng maraming seremonyas, Mario at nagmamadali kami.  Just let them sign the papers in front of us," narinig kong sabi ng tatay ni Maddie.

Rock my Heart (BLACK SLAYERS SERIES 1) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon