"Suko na ako."
Madalas mong sambitin. Sige, suko ka na. Isuko mo 'yung mga bagay na hindi na nakaka-tulong sa 'yo. Simulan mo sa mga masasakit na salita, alaala, mga tao o bagay na hindi na kailangan pang dalhin, mula sa kasalukuyan hanggang sa kinabukasan. Isuko mo ang negatibo mong pananaw sa mga bagay. Isuko mo ang nakaraang parte ng pagkatao mo na kailangan ng baguhin. Isuko mo na ang parte ng paulit-ulit mong paninisi sa mga bagay na hindi mo nagawa. Isuko mo ang mga bagay na kailangan mong bitiwan para maka-usad ka sa magandang kinabukasan. Isuko mo ang mga bagay na ito, pero huwag mong sukuan ang sarili mong nag-aantay sa 'yo sa magandang bukas.
-cloakedlove
BINABASA MO ANG
Letters to No One
General FictionUnsent letters to whoever: Who's needing some light, some encouragement and those who wanted to just survive. This is for you. This is for us.