Uy, kumusta?
Kaswal na bati sa 'yo ng mga kaibigan mo matapos ang mahabang panahon ninyong hindi pag-uusap, o pagkikita.
Kaswal na kumustahan madalas, pero nakakagaan din pala ng pakiramdam kahit papaano.
Marami nang nangyayari ngayon sa mundo; ilan dito ang pagsusuot ng face mask at face shield, pagpapatupad ng social distancing at no to social gathering. Sa sobrang dami ng mga nalalaman nating mga terminolohiya ang sakit na rin sa isip at bulsa.
Pero kasabay nang madaming mga pagbabago ang pinaka-gusto ko ay ang salitang Padayon.
Tanungin mo ako kung bakit, "Kasi ang maiksing salitang ito ang nagbigay ng panibagong tanglaw sa ating bagong mundo. Ang ibig sabihin ng salitang ito ay magpatuloy."
Naranasan mo na bang magpatuloy kahit gaano kahirap ang sitwasyon?
Naranasan mo na bang iwan ang apat na taon mong trabaho dahil lang sa may bagong oportunidad na naghihintay sa 'yo?
Nag-aral ng napaka-tagal para sa mas magandang posisyon sa trabaho?
Nawalan ng magulang at kaibigan dahil sa sakit?
Pumasok kahit may sakit o hindi ka okay physically, mentally, at emotionally okay?
Maghintay ng napaka-tagal para sa trabahong gustong-gusto mo?
Makapag-sulat ulit?
Magawa ulit ang mga bagay na gusto mong subukan?
Kung oo, ito ang hamon ko sa 'yo. Kung kaya mong mag-isip ng isang rason para magpatuloy, pang-hawakan mo 'yun.
Alam kong mahirap, alam kong napaka-daling sumuko.
Pero kung binibigyan ka ng buhay ng rason para sumuko, bakit hindi mo subukan muli ang lumaban?
Oo, alam kong nakakapagod. Kaya nga, andiyan ang Diyos para tulungan ka. Ikaw lang eh, ayaw mo lang kasi magtiwala Sa Kanya.
Napuno na kasi ang puso mo ng takot, pangamba, inggit, galit at kung ano-ano pa na hindi naman nakakatulong sa 'yong pagkatao.
Ang puso natin ang daluyan ng ating mga mithiin sa buhay, kaya nga dapat ito ang ating pinupuno ng mga mabubuting alaala at mga magagandang katangian. Masyadong idealistic?
Aba, hindi.
Hindi naman kasi lahat ng laban kaya mong labanan. Hindi lahat kailangan ng iyong enerhiya, kaibigan. Hindi lahat ng ito kailangan mong dalhin ng mag-isa.
Subukan mo muli magtiwala.
Subukan mo ulit ngumiti at maniwala.
Kahit minsan pa.
Tapos bukas ulit.
Kapag napagod ka na sa bigat sa mga susunod pang bukas, maalala mo nawa na may taong nag-aalala at naniniwala sa 'yo--- Ako.
Kaya sa araw na ito sinasabi ko sa 'yo, walang-wala ang mga pagsubok na ito dahil alam kong kaya mo.
Sa mga panahon na wala kang makitang dahilan para lumaban, maalala mo sana ang salitang padayon.
Padayon sa iyong nakaraan, sa mga maling desisyon sa buhay, pagsisisi, galit, inggit, lungkot at sa bagong bukas.
Kapag nakakatakot tumalon at sumubok muli, tandaan mo wala pang nanalo na hindi sumugal.
Kung kaya mong lumaban at magpatuloy sa isang maling relasyon at desisyon, kaya mo rin lumaban para sa sarili mo.
Araw-araw mong tingnan ang sarili mo sa salamin, 'yan ang taong hindi mo dapat sinusukuan.
Padayon! Sabay tayong magsimula ulit ha? This time, we will start and end with God.
Will it be easy as we're safe and sound? No.
But it will be worth it. Because you are.
-Ang iyong kaibigan
BINABASA MO ANG
Letters to No One
General FictionUnsent letters to whoever: Who's needing some light, some encouragement and those who wanted to just survive. This is for you. This is for us.