Kumusta?
Kay tagal na natin hindi nag-usap.
Kaya pa ba?
Kinakaya mo pa ba?
Nakatulog ka naman ba? O inumaga nang gising dahil puno ka na naman ng pangamba.
Pangamba sa hindi inaasahang mga pagbabago.
Kaba sa bawat desisyon na gagawin mo.
Natutulala pa nga madalas sa mga nangyayari sa paligid mo.
Saglit. Kalma.
Hinga.
Hinga.
Hinga.
Okay ka na?
Okay lang na hindi mo maintindihan ang mga nangyayari. Ramdam ko na mabigat pa rin kahit na hindi mo sabihin.
Alam ko.
Alam ko rin na binabago ka ng pagkakataon na huhubog sa 'yong pagkatao.
Alam kong mahirap.
Alam kong may mga araw na hahagulgol ka, matutuliro, malungkot at madalas punong-puno ng pag-aalala at agam-agam.
Saglit.
Hinto.
Oo, huminto ka.
Huminto ka, dahil ang layo nang tinakbo mo. Ang layo nang narating mo.
Pagod ka na.
Kaya, deserve mong pagpahinga.
Deserve mong huminto saglit.
Huminga ka.
Umiyak.
Matakot.
Normal lang 'yon.
Kapatid, puhon. Alam mo ba na sobrang sarap lang sa pakiramdam na we can do whatever we might want to do. We might become who we might want to be. But, the comforting thought is, if it's part of God's will. Mangyayari 'yon. Puhon, soon in God's time.
Kaya, manalig tayo. Matatapos din lahat ng 'to. Hindi naman puro sakit, hirap at lungkot eh. Kasi kapag natapos ang ulan, may sisilay na isang bahaghari.
Bahaghari na nagbibigay ng bagong pag-asa. Pag-asa kahit na hindi natin alam ang mga mangyayari, sa kinabukasan.
Kapit ka lang.
Puhon. :)

BINABASA MO ANG
Letters to No One
General FictionUnsent letters to whoever: Who's needing some light, some encouragement and those who wanted to just survive. This is for you. This is for us.