Hi jessy. Dinededicate ko to skanya dahil.. hmm.. isa sya sa mga kachikahan ko here. Hehe! :) - Lui
"Ako nanaman?!!!"
Tinignan ko sila ng masama. Nakakailang ikot na kase yung bote. Pero puro sa akin ang tutok. As in!
"Hala! May sapi yung bote. HAHAHA" sagot ni Julie.
"Dinadaya nyo ko!"
Nagkatinginan ang tatlo. Saka ngumiti, yung nakakaloko.
Hinampas ako ni Angela.
"Ambisyosa ka! Asa ka naman, type ka lang ng bote. Truth ka ng truth wala naman kameng tanong na malupet. Kabisado ka na namen bobacles!"
"Bobacles ka jan! E parang ewan naman kasi yung mga tanong nyo! 'Ano nauna, manok o itlog?' 'Bakit nagkakawrinkles?' 'What makes a leader?' Anung tingin nyo saken, si Kuya Kim?!"
Kanina pa nga kami naglalaro, puro kalokohan naman ang resulta.
"Oh sige, dare tayo, yung malupet!" Sigaw ni Carlynne.
Napakamot ako ng ulo.
"Osya sige. Ano ba?"
Tumalikod ang mga ito sa pangunguna ni Carlynne. Nakagitna ito at may paakbay-akbay pang nalalaman dun sa dalawa. Kungt titignan mo,parang ang laki ng problema nila tapos may pinagpupulungan.
Hindi na ko nakatiis..
"Hoy ano yan? Meeting de avance?!"
"No, we're just discussing. Hehehehe." sagot ni Julie na hindi pa rin lumilingon.
Nasa living room kame at nakaupo sa sahig. Sunday, sarado ang shop. Boring kaya napag-isipan naming maglaro. Aren't we too old to sit here and spin a bottle while asking for truths and giving consequences? Yes. Yes we are.
Sama sama kameng apat sa isang unit dito sa Manhattan Heights QC Branch. We live independently. When I say independently, I mean away from our parents pero syempre para na kaming pamilyang apat.
"Wag yon! Walang thrill!"
Napasimangot ako sa bulong ni Angela na hindi naman actually bulong dahil ang lakas ng pagkakasabi.Hindi pa din sila tapos. Tss.
Kaya naman sasamantalahin ko na ang pagkakataon. I am Allysa Mickaela Cano Takeshita. Aika for short. 23 years old. Half Pinay Half Japanese ako. Yung parents ko nasa Japan, nandun ang business namen. Like what I've said I live independently with my friends. Magulo ba? Basta eversince kami na yung magkasama. Since High School. We run a business pala. Kaming apat. Mga accessories which we design ourselves. Ang pangalan ng store namin ay "The Chos Shop" Weird ba? Hehe. Well, yun kasi ang bansag namin sa sarili namen. "Chos lang" or simply "Chos". Hahahaha, chos!
"Heto na sige game!"
Nagulat ako kay Julie at napansin kong tapos na yung meeting nila. Pumapalakpak pa ito. Tama bang sirain ang intro ko?!
"Ano? Dali! Puchu puchu lang yan for sure! Tss." Mayabang kong sabi.
"Oh well makikipagblind date ka lang naman."
Pinandilatan ko silang tatlo sa narinig ko mula kay Carlynne.
"Nasisiraan kayo? DUH!"
Kung ano-anong pilit ang ginawa ni Julie at Carlynne. Si Angela naman, nananahimik lang.
"Ayoko sabe." pinal na sagot ko.
"Pero--"
"Okay."
Sabat ni Angela sabay flip ng hair. Dahilan para hindi ituloy ng dalawa ang dapat nilang sabihin. Napatingin sila kay Angela. Nagtataka.
Okay? Hindi na 'ko makikipagblind date? Okay. HAHAHAHA.
BINABASA MO ANG
Her 20:20 Vision (HIATUS)
Romance"You're my... Could've been. Should've been. But never was, and never will be.." What will happen if the past that you thought you already buried comes back and taps your back? A story that will open your eyes to something. Enjoy reading. =)) Love l...