Chapter 20: Weird

131 6 1
                                        

Chris' POV

Grabe ang cute nya pa rin talaga! Ay teka, nagtataka siguro kayo kung bakit ngayon lang ako nagkaroon ng POV no?

Ako din e. Imagine almost 20 parts na tong story na to tapos ngayon lang yung POV ko?! Saka parang di naman approve ni author tong POV na to pero gusto ko na talaga eh.. Kaya heto. Hahaha. Siguro masama yung loob ng author saken.

Ahh. Pwehehe alam ko na, malamang isa sya sa mga babaeng patay na patay sa kagwapuhan ko tapos hiniwa--

Aika's POV

Pumasok ako sa loob para puntahan si Jayson at tulad nga ng sabi ni Carlynne andun na sya. Smiling brightly and handsomely as evaahhh!

"Hi. Kanina ka pa?" sabi kong medyo pasigaw malakas nga kasi ang music.

"Hindi naman" sagot nya. Tapos ngiti.

Umupo kami sa wala masyadong tao and talked kaso.. Kaso wala, hindi pa nya nabanggit yung banat nya na I was born to love you chuchu. Nakakainis nga eh. Pero anu nga.. yun nga.. banat lang sya.. Banat that will make you only asa as ever. T____T

"Ahm.. Ah jayson?" Panimula ko. Kaya ko to hahaha nikakabahan ako eh.

"Ano yun?"

"Ah kase ano.. nung ano di ba.. ano kase.. yung ano.."

Kuso! I slurred again. Ugh.

"Ha? Ano yun Aika?" Tanong nya.

"Ano.. kase.. ano.. gusto mong kumain ulet? Tara samahan kita hehehe"

Hindi ko masabe nakakahiya kasi eh. -________-

Tumawa sya. "Haha ang cute mo naman. Para yun lang nabubulol ka pa? Haha. No worries. Busog pa ko eh."

Pinisil nya yung pisngi ko.

Anong meron sa pisngi ko at laging napisil?

Nakikiramdam ako. Hindi naman ako naweirduhan unlike nung si halimaw ang gumawa nun. Sabagay nga pala, weird si halimaw eh. Hahahaha.

Ugh. Speaking of the devil, hayun sya nakikipagchikachika sa isa sa mga pinsan ni Julie na babae. Naku mabalaan nga mamaya to baka umuwi syang luhaan.

Napasimangot ako.

"Uy bakit ka nakahubad?"

Shocks!!!!

Napatingin ako kay Jayson. Anong hubad?!

"H-ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Eh kase you're not wearing your smile. Haha" Lumapit sya sa mukha ko.

*thump*

*thump*

*thump*

Tapos.. Tapos..

"Ayusin mo yang noo mo, nakakunot nanaman."

Ni-stretch nya yung noo ko para hindi na nakakunot.

Assuming. K.

Lalo kong diniin ang pagkakakunot kaya lalo syang lumapit at diniin din ang pagstretch. Hahaha. E kasi naman.... para-paraan lang yan. Hahaha :P

"EHEEMM! EXCUSE ME! MAY HINAHANAP LANG AKO."

Sino pa nga bang panira sa story na to? Syempre si halimaw. Malakas ang music pero hindi naman sa part dito medyo malayo sa speaker na kami nakapwesto eh. Pero bakit pasigaw syang nagsalita? Epal. Lumayo si Jayson at humarap sa kanya.

At ang bastos ha. Pumunta sa gitna namin at tila may hinahalughog sa gilid gilid ng sofa.

"Ah pare, anong hinahanap mo baka pwede kitang matulungan?" tanong ni Jayson.

Her 20:20 Vision (HIATUS)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon