Chapter 14: Back Out

147 11 0
                                    

Short Update. 

After nun parang feeling close na si Chris. Tsaka- Wait, did I just called him chris? No I didn't. Okay fine, I did. So yun, feeling close na nga si halimaw.   Minsan tumatambay pa sa lugar namin. Ako naman kunwari hindi napapansin ang existence nya. Windang pa 'rin ako. Actually hindi ko na alam ang gagawin ko eh. Hindi ako mapakali. Naguguluhan na din ako. Sa Laguna iniiwasan kong makausap ng matagalan si Princess. Para kasing may something sa kanya na mahuhumaling ka. Don't get me wrong. I mean she's this girl who can please everybody. Ayokong dumating yung time na magustuhan ko sya't makasundo ng walang halong kaplastikan. Pag nangyari yon paano na lang ang kapatid ko?

Para kasing nagiging fond na rin ako sa kanya. And I hate it. Gumagawa pa rin naman ako ng kamalditahan minsan. Yung lalagyan ko ng asin ang juice nya instead of sugar. Yung lalagyan ko ng spicy sauce ang mga pinapakain ni Lola sa kanya. Kunware babanggain ko ng uber lakas. Basta kung ano-ano pang kasamaan.

Syempre naguguilty ako kahit papano. Sa mga panahong nakakasama ko sya sa bahay, wala akong nakikitang masamang side nya. Walang sign ng bad attitude. So sige sabihin na nating mabait nga sya. Pero cheater.

Pero wede rin namang nagpepretend syang anghel yun pala ay lucifer naman?

Ewan ko ba. Naloloka na 'ko. May relasyon ba talaga sila ni Chris? Nung tingin ko kase na fail yung plano ko at wala akong mahihitang kahit ano sa halimaw na yun, back to normal na ulit ako sa kanya.

Badtrip pa rin ako sa araw araw na ginawa ng Diyos at siya ang nakikita ko kasabay ng pagsikat ng araw. Isa lang naman ng energizer ko.

Si Jayson.

Niyayaya nya ako na lumabas kahapon kaso nga lang wednesday kahapon si hindi ako pwede. Hinayang na hinayang talaga ko.

Ay ano ba.

Nangingiti ako mag-isa.

Hay hindi! May malalim pa pala akong iniisip.

Nagbago din ng attitude si August e. Hindi na kami madalas mag-away.

Nung isang araw nga na kausap namin sila Mama ang sabi nya.

"Okay lang si Ate may boyfriend sya eh, inspired kaya gumaganda."

And i was like (O.O)

At isa pang miracle, binobola ko syang imassage ako. Hindi man lang ako nahirapang iconvince sya. Pati paa ko kamo!

Ang weird nya. Ganyan ba ang kapangyarihan ng pag-ibig? Ew, ang corny pakinggan. Masama man sa loob ko at mahirap man sabihin, pero napagbago ni Princess si August.

Kaya lalong parang sasabog ang utak ko e. Pano kung mapaghiwalay ko nga sila? Pano na si August? I can't imagine kung pano syang magluluksa.

Heller? First time kong nasaksihang mainlove ng ganito si August. Ngayon lang sya bumaet. Ngayon lang syang naging baduy. Ngayon lang sy naging sweet. Ngayon lang sya naging behave.

Tapos ng dahil sa 'kin mawawala lahat ng yun?

Pero teka, hindi na siguro dahil sa 'kin yun.

Yun ay dahil na sa babaeng pinili nyang mahalin.

*sigh*

Sa ngayon siguro wala na lang muna akong gagawin. Back out na muna. Hindi ko yata kayang makita ang kapatid ko na miserable. Lahat naman ng tao nagkakamali eh. Pwede namang inakit lang sya ni halimaw kaya ganun. Pero.. arghh! Sumasakit ang ulo ko! Anong gagawin nya sa condo ng isang lalake?!!

Bibigyan ko ng chance si Princess. Kikilalanin ko syang mabuti. Siguro nga masyado akong naging judgemental. Ngayon kung may ginagawa nga syang hindi maganda, ako na ang makakalaban nya. Pag dumating yon, sisiguraduhin kong si August mismo ang makakaalam.

*Vibrate*

Ay anak ng. Sino ba tong nagtext na to. Kasalukuyan akong nagmomoment eh.

"Good afternoon gorgeous, how about you join me for dinner? Hindi wednesday ngayon. Siguro naman pwede ka? Same time, same place. Beep me back."

Wahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh! Si Jayson. Naghhyyperventilate yata ako. Oh em, water, water please!

OA lang.

Syempre nagreply ako ng okay. Hahaha. Landi lang e noh.

4 pm na eh? Naligo na 'ko at nagpaganda.

At last natapos din. 6PM na. This is it.

"Aba ganda ng lola mo today! May date?"

Nangingiting tanong ni Carlynne.

"Hindi naman dinner lang. Friendly date."

"E bat kinikilig ka?"

Osya, kinikilig na kung kinikilig. E kasi naman hindi ko maitago e. Labas sa ilong ang friendly date. Siguro para sa kanya friendly date lang. Ako naman umaasa. Ambisyosa lang.

"Sino ba? Si Jayson."

I nod, hinampas naman nya ko.

"Ayiiiiiiiiieeeeeeeeeeeee." Kinikilig na sigaw nito.

"Ay? Ikaw ang may date ganon? Hubarin ko na 'to oh exchange tayo." Natatawang sagot ko.

"Go for the gold ateyyy!"

-

Pagpasok ko sa "Scent and Aroma" hindi lang amoy ng mabangong flowers ang naamoy ko. Naamoy ko din ang glamour at kasosyalan.

Nakita ko kaagad si Jayson so pinuntahan ko na kaagad sya. Ayun, kwento kwento. This past few days madalas ko syang nakakachika. Magkatext kame. Minsan tumatawag sya out of the blue. Atleast once a week lumalabas kame.

Hindi naman sya nagpapakita ng mga motives para umasa ako. Na may chance. Wala napaka-casual lang nya everytime na magkasama kame. Walang romantic ambiance. Alam mo yun. Yung parang.. normal lang. Or is it just me?

So yun nga parang nawala yung excitement at kilig ko. Napaka-assuming ko naman kasi eh.

Natapos ang very casual na dinner namen. 

Hinatid nya ko tapos pumasok na 'ko sa loob. Hayyyy Jayson.

Her 20:20 Vision (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon