Chapter 9: Bad Vibes vs. Good Vibes

176 16 0
                                    

Wednesday.

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabe. Kinikilig ang lola mo eh. Parang back to the old times lang. Feeling high schooler nanaman ako. Is there such thing?!

Mukha tuloy akong Zombie. Syempre may work ako ngayon kailangang gumising ng maaga. Makokotong ako pag na-late ako ng gising. 

Lumabas na 'ko ng bahay. Syempre alive na alive ang beauty ko.

Good Morning Sunshine!

Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko.

Ay nawala din pala. Keaga-aga may nakikipagladian! Tsk.

Pwede bang ipatransfer na lang ang condo namin?!

Umatras ako at medyo nagtago.

"Mag-ingat ka ah. Mamimiss nanaman kita nyan."

Naghug silang dalawa.

"Ikaw din. Syempre mamimiss mo ko. Love mo ko eh!"

Nagtawanan pa sila. Early in the morning! Hmp.

Pero parang may kakaiba. Yung girl kasi na kasama ng kaladkaring lalaki ngayon ay hindi tulad nung tatlo na nakita ko. SO FAR.

Sopistikada silang lahat. Mukhang pasosyal na ewan. Etong isang ito simple lang. Medyo maliit at parang mas bata siguro sa akin. Maamo yung mukha. Maganda.

Familiar. Nakita ko na ba sya before? Sa CFs? Sa TV? Facebook? Twitter? Myspace? Plurk? Tumblr? Formspring? Instagram? Chos.

Sa mata naman ni Chris.. ay ng kapitbahay ko pala.. hindi kami close no!! 

Makikita mo yung softness. Parang fond na fond sya dito sa girl. Ginulo pa nya ang buhok nito. Sweet.

"Bye Chris." 

Umalis na yung babae.

Ako naman medyo natauhan.

Ano ba 'to? Ma-late pa ko sa pinaggagawa ko! Nagstart na rin akong maglakad. Malapit lang yung condo namin sa main gate tapos yung toda o paradahan ng mga tricycle malapit lang din. Hindi ko na ginagamit yung kotse ko dahil di naman kalayuan. Atsaka sayang ang gas!

Nang makatapat ako sa kanya, sumipol sya.

"Piweeeeeeeeeeeet"

Bastos!!!!

Hindi ako lumingon.

"Uy mukhang napuyat si ateng masungit!"

Natigilan ako. Ganun ba 'ko kabangag?!! Ang pangit ko yata ngayon. T_____T

Lumingon ako at binigyan sya ng 'do-ya-wanna-die' look.

"Joke lang. To naman oh. Ang sungit mo para naman wala tayong pinagsamahan."

Tumaas ang kilay ko.

Meron?! Meron?! Kelan pa?!!!!

He winked.

Oh God. Take me away!

Pinapaalala lang yata nito yung nangyari sa resto.

"Magkapitbahay tayo. Kakalipat ko nga lang e. Wala bang house warming from you?"

"Manigas ka."

Naglakad ako palayo pero nakasunod sya.

"Ay tapos na pala no. Nung kinatok mo ko nung isang araw."

House warming ang tawag nya don? He's crazy!

Tinutuya ako ng lamang lupang to!

"About that.. sorry pala"

That stopped me.

Am I hearing things right?

Marunong syang magsorry? Woah.

Lumingon ako sakanya. Hmm maybe he's not that bad.

Then he grinned.

What????

"Para kasing umiyak ka non e. Pulang pula yung ilong mo. Nung sumisigaw ka suminghot singhot ka pa. Tapos yun, it came to me. Siguro crush mo ko tapos nagseselos ka kaya ka nagsisigaw tapos nag-emo-emo ka kunware tapos--"

Hindi ko na sya pinatapos sa sinasabi nya.

I killed him.

Oh well not literally. I kicked him. In the middle.

-

Hindi nagbago ang timpla ko kahit nakarating na 'ko sa shop.

Marami na ding customer ang nagpunta.

"Kuso! Good vibes please!" (kuso= sh*t)

Narinig kong tumunog ang wind chime at bumukas ang pinto pero hindi ko padin inaangat ang ulo ko sa table.

Lugmok ako e. Bad Vibes plus antok!

"Pasan ba natin ang mundo?"

Automatic akong napataas ng ulo.

He's smiling from ear to ear.

Shocks. Ang lakas ko naman po sa Inyo. Eto na po kaagad?

Good Vibes.

Nah! That's what I'm talking about!

(A/N See his pic at the side >>>>>>>>>>>>>>>>>>>>)

Her 20:20 Vision (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon