Carlynne's POV
Nakatulog ako kaninang hapon at nagising ng 4PM. lumabas ako para diligin yung mga halaman ko at orchids.
Kung di 'ko gagawin ay malamang lantay at wala ng buhay ang mga inosenteng halaman sa gilid ng condo unit namin.
Hindi ko naman maaasahan ang tatlo pang vouvou dahil wala silang hilig. Poor me.
Hawak ko na yung water hose ng biglang may lumapit na super duper cute na aso.
Nilick nya ang paa ko. I lowered my gaze.
"Hey cutie. Asan amo mo ha?"
Hinawakan ko ang ulo nya.
Sosyal mukhang may breeding!
He then licked my hand.
"Ang sweet mo naman dogie. Sang unit ka ba? Ha?"
Dumikit lang sya sakin at pinagsiksikan ang sarili. Napakasweet na aso.
"Bakit hindi ka sumasagot?"
Magulat ka Carlynne kung yan sumagot. Haha.
Para lang akong tanga. Pero natutuwa talaga ako sa mga aso. Pet lover ako eh.
Binitawan ko yung host at kinarga sya.
Hmm bango ah.
"Chevo!"
Tumingin ako sa lalaking paparating.
Teka.........
"J-jude?"
Tumigil sya saglit tapos nagpatuloy na sa paglalakad.
Ako naman parang namalikmata lang.
"Ha? Miss it's Chris. I'm Chris."
Kaswal na sagot nito.
How could I ever thought....?
"Oh I'm sorry. Namalikmata lang ako. I'm Carlynne pala. Is this your dog?"
"Oh yes, pasensya na ha, malikot talaga yan eh."
"Okay lang. Ang cute nya nga eh."
Inabot ko na sa kanya ang aso nya.
"Chevo.. Say bye na to your new friend." Winave-wave pa nito ang alaga.
Nag-wave din ako.
"Bye chevo"
"Sige ha, pasok na kame. Nice meeting you. Pasensya na sa abala. Nice meeting you."
Naglakad na sya paalis.
Uh? Sya yung kapitbahay namin? Ang sabi ni Aika hambog daw at walang modo. Parang hindi naman eh..
Tinulak ako ni Aika. "huyy!"
Ayy lumipad nanaman pala ang utak ko.
Teka nasabi ko pala yun. Vouvou T_____T
"W-wala. Schoolmate natin nung high school. Pero hindi pala. Akala ko lang. Ang layo kaya ng hitsura. Biglang tingin lang. Hehe."
Umiwas ako ng tingin.
"Sino naman?"
"H-ha? Nakalimutan ko na yung pangalan eh."
"Ahh. Ganun ba.."
Sagot nya.
"O-oo."
Nakahinga ako ng maluwang nung nag-off topic na kame. Ewan ko ba pero ang weird lang kase. I think I know him pero malabo. Malabong malabo.
Syempre I don't want to tell them this. Pagtatawanan lang nila ako. LALONG LALO na kay AIKA. Sya ang hindi matatawa. Magagalit yun.
Eversince umapak kami ng college we never talked about him. With Aika.
As much as possible we avoid that topic. Even mentioning his name is quite forbidden although wala namang ganun usapan. We just know that once we opened a convo about him, Aika will not like it.
Bakit ko naiisip to? Namalikmata lang naman ako.
Kay Angela binigay ni Chris yung food pero mukhang wala naman syang napansin. I'm paranoid!
And sabi ni Aika ilang beses na nyang nakadaupang palad 'to. Imposibleng wala syang mapapansin. Right?
Okay so ano nanamang wacky theory to?
Aika's POV
Buti na lang hindi sumakit ang tyan ko dahil sa pagkaing halimaw na nakain ko kagabe. Nakapagbyahe pa ko peacefully dahil walang bakas ng lamang lupa sa tabing unit.
Nakarating din ako sa wakas. Pinidot ko ang doorbell.
"Anjan na! Istorbo kang pangit ka."
Alam ni August na every end of the month siguradong uuwi ako.
"Mukha mo! Si lola?"
"Nagluluto."
Pagpasok ko nagulat ako. Wow bakit ang linis linis sa loob? Hindi naman malinis sa bahay tong si August ah? Baka nag-general cleaning si Lola?
Pumunta ako sa kusina.
"La, mano po."
Ngumiti lang ito. Abah? Normal si Lola ngayon ha. Ewan ko lang pero sana normal sya ngayon. Hilig lang kasi nito talaga ang pagluluto. Kaya siguro hindi sya gumagangstah dahil nagcoconcentrate.
Saka ko napansin na ang dami pala nyang niluluto.
"Andameng putahe. Anung meron La?"
"She's paying us a visit yo."
Hindi pala sya normal. Bisita? Sino?
"Sino ho?"
"It's Princess."
Princess? Yung nililigawan ni August? Ahh oo sya nga.
Lumabas ako sa kusina at nakasalubong ko sa August. "Darating pala yung nililigawan mo?"
"Correction. Girlfriend ko." Mayabang na sabi nito saka umalis habang nagsasayaw.
Angas lang ah! Napasagot na pala nya. Aba'y buti pa sya may lovelife.
Nagpalit na 'ko ng damit pangbahay sa kwarto ko dito. Dito na muna ko ngayon. Bukas na lang uwi ko. Wala namang urgent matter sa Manila.
Paglabas ko nakita kong nakatipon na sila sa sala.
Si Lola, si August at yung..... girl.
oh
Whuuuuttizzzdameaningofdizzzzzz?!!!!
BINABASA MO ANG
Her 20:20 Vision (HIATUS)
Любовные романы"You're my... Could've been. Should've been. But never was, and never will be.." What will happen if the past that you thought you already buried comes back and taps your back? A story that will open your eyes to something. Enjoy reading. =)) Love l...