Chapter 15: Jayson

125 8 0
  • Dedicated kay Arianne Louise Santiago
                                    

Sobrang cheesy talaga!! This is for you. Wahahaha :) <3 Love love! - Lui

Jayson's POV

Hindi ko ineexpect na magkaka-POV ako. Salamat. Hahaha. Grabe hindi ako prepared.

Let me introduce myself first. Ako si Jayson Gonzales. Isang dakilang photographer. Taga-Laguna ako date pero ngayon sa QC na talaga ako namamalagi. 23 years old. Dati akong schoolmate ng Aika and company Pwede na ba yan?

-

"Okay"

Napangiti ako dahil pumayag si Aika. Magaan na talaga ang loob ko sa kanya eversince. Nung highschool kase magkasama na kame sa school newspaper namin. Photographer ako tapos Feature Writer naman sya. I'm looking forward to our friendship. Enjoy kasi syang kausap at kasama.

Ewan pero natutuwa talaga ako sa kanya. Hindi kasi sya boring na kausap at inaamin ko naman na espesyal ang tingin ko sa kanya. Yun nga lang hindi papunta sa point na love? Ganun ba yun? Pero ewan ko ba, naguguluhan ako.

Love ba? Ay ewaannn.

Nagkita ulit kame sa "Scent and Aroma". Veryyy casual dinner.

Naguguluhan kasi ako kaya hindi ako makapagconcentrate. Nahiya tuloy ako kay Aika baka hindi na sya makipagkita uli.

So ayun hinatid ko na lang siya. Hehe.

Nagddrive ako ngayon pauwing Laguna.

I looked at my watch.

"Anong oras na ba?"

Medyo madilim so hinagilap ko ang phone ko. Nasa bulsa ko pala tapos nung titignan ko nadulas naman kaya nahulog sa ilalim ng upuan .

Wala naman palang masyadong sasakyan. Yumuko ako para kunin at matignan ang oras. Nung ibalik ko ang tingin ko sa daan...

*BOGSHHH*

Napapreno ako ng ubod ng lakas ng may  makita akong babae.

Oh My God!

*BOOGSH!*

Oh my God!? Nabundol ko ba sya?!  Jeez!

I jumped outside my car and I saw a girl lying in the middle of the road. Right infront of my car.

Linapitan ko sya para icheck pero wala akong nakitang dugo sa ulo nya. I sighed in relief.

"Miss!!"

Binuhat ko sya paharap sa akin.

"Are you okay? Please say yes!"

Hindi ko makita ang mukha nya dahil natatakpan ito ng buhok nya. God! I'm so stupid! Kaagad ko syang isinakay nang maramdaman kong may pulso pa sya at dali-dali kong pinaharurot papuntang hospital ang sasakyan.

What have I done?!

-----------------------------------------

"Sir? Ano pong name ng pasyente?"

Tanong ng nurse sakin.

"Ha? E hindi ko alam eh."

"Okay sir, ichecheck na lang po namin yung mga things nya and cocontact-in namin ang dapat tawagan and para narin tignan ang identity nya."

"Ah, okay sige mi-- Wait a minute!"

Napahinto ang nurse sa pagtulak ng stretcher.

Lumapit ako sa babae. Nanginginig ang kamay ko pero nagawa kong hawiin ang buhok sa mukha nya. My heart skipped a beat.

"A-arianne.. Arianne Louise Santiago ang pangalan nya."

I was dumbfounded for a while. Umupo ako sa upuan nang hinang hina.

H-how can this be?

Lumipas ang ilang minuto nakaupo parin ako at naghihintay ng balita. Biglang may narinig akong isang lalaki.

"Dito ba dinala si Arianne Santiago miss?"

"Ah.. Yes sir,nasa room 101 po."

"Okay miss. Salamat."

Tapos lumabas yung doctor.

"Doc ano pong balita?"

Tanong ko.

"Sino ka?"

Tanong naman ng lalaki sa akin. I shook my head.

"Okay naman sya. Minor injuries lang ang natamo nya. And actually, hind naman yung impact ng sasakyan ang reason kung bakit sya nawalan ng malay...-"

*Ringgggggggggg*

"Excuse me for  a while"

Tumalikod ang doctor dahil may tumatawag sa phone nya. Napatingin naman sakin yung lalake.

"Sino ka?"

Tanong uli nya.

"Ako yung may-ari ng sasakyan, ako si Jayson."

Tumango ito. "Ikaw ba ang nagdala sa kanya sa hospital?"

"Ah, oo. Pasensya na hind ko naman sinasadya yung nangyare, ako na lang ang bahalang magsettle ng payments. Pasensya na pare."

"Okay lang. Narininig mo naman ang sinabi ng doctor di ba?" tinapik nya ko tapos sinundan nya yung doctor na katatapos lang makipag-usap sa phone.

Nag-usap saglit ang dalawa tapos binalikan nya ko.

"Pare, pwede na daw syang puntahan sa kwarto. Sama ka?"

"Wag na pare, aalis na rin naman ako."

"No, I insist. Kanina ka pa sorry ng sorry sa 'kin e hindi naman ako yung naaksidente mo."

Wala akong choice so sumama na lang ako. Habang papalapit ng papalapit sa room nya, palakas naman ng palakas ang tibok ng puso ko.

Nauna syang pumasok sa 'kin at nagpahuli na lang ako. Malakas na malakas na ang tibok ng puso ko.

"Miko, ikaw pala. Nakausap mo na ba yung doctor?"

Miko pala ang pangalan ng lalake.

Siya si Miko? Parang sumikip ang dibdib ko.

"Oo yhan. Okay ka naman daw. Konting  pahinga na lang ang kailangan mo. Konting sugat lang ang natamo mo. Buti na lang. Nandito nga pala yung driver ng kotse."

Naglakad na ko palayo ng biglang may sumigaw.

"Pare! Saglit lang, wag ka munang umales!"

Niluwangan nya ang pagkakabukas ng pinto.

"Gusto ka lang daw niyang makita"

Huminga ako ng malalim. Then I entered the room.

Her 20:20 Vision (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon