Chapter 28: Decision

125 2 4
                                        

Dyahe pala to eh ny*mas lang. Makikipag-usap lang sa iba space na kaagad?! Space?! Edi dun sya sa outerspace!

"Aika! Please open the door."

Gagawa gawa sya ng pag-aawayan namin tapos heto sya ngayon, mangungulit sa  pintuan ko? Manigas sya! Iyak lang naman ako ng iyak kagabe.

Kilala ko si Jayson, kahit noon pa. Hindi sya magdedesisyon ng ganun ganun na lang.

But he just did.

Kilala ko ba talaga sya?

"Look,I am sorry. I really am. M-masama lang talaga ang timpla ko kahapon. Aika, alam kong naririnig mo ko. Please buksan mo to."

Sorry nanaman! Sorry ng sorry ang mga tao! Ay dalawa lang pala.

Akala nya siguro bibigay na ako. Akala nya siguro, makukuha ako ng isang sorry nya. Akala nya sa isang sorry tatayo ako sa kama ko at pagbubuksan sya ng pinto. Pwes, tama sya.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, niyakap nya kaagad ako.

"Aika I'm sorry kung nasaktan man kita at kung masasaktan pa kita in the near future. Sana mapatawad mo ko."

Tinulak ko sya palayo.

"So ano yun, nagpapaalam ka na sasaktan mo ko?"

"Hay ikaw talaga. Alam mong hindi yun ang ibig kong sabihin"

Gusto kong huminga ng maluwang. I want to feel relieved, pero hindi ko magawa kase pagkasabi nya non, umiwas sya ng tingin.

"Jayson, tell me, may problema ba?"

"Aika..."

Giniya ko sya papasok ng kwarto ko at umupo kame pareho sa kama.

"Sabihin mo saken kung ano bang problema. Why did you acted like that yesterday?"

"It's because.. Because.. Well, it's nothing you should be concerned about."

"Tell me. Kahit wala akong kinalaman, may kinalaman pa rin yun sa.. kahapon."

"Aika kase,hayy ang kulit mo." He patted my head.

"May komplikasyon lang na nangyari sa trabaho. Nagkainitan kami nung nagdi-direct ng photoshoot, hindi kasi kami nagkaintindihan dahil hindi naman nya ibinigay yung tamang sched sakin. Kaya ayun. Sorry talaga ah??"

Ano pa nga ba?

Jayson's POV

She accepted my apology. I'm a jerk.

Yesterday, when we were on a date, may tumawag sakin. Unregistered number, sinagot ko kasi baka urgent.

Then.. Then.. Malalaman ko na si Miko pala. Say who? Yes si Miko. Ano namang kailangan nya? Tsk.

So nagpaalam ako kay Aika at umalis para makipagkita sa kanya.

--

"Anong problema pare?"

"Pare, upo ka muna."

Umupo ako pero wala akong balak na magtagal. Naiirita ako. I want to punch this red-haired guy infront of me..

"Look, I'm busy right now, so please, sum it all up. What do you need?"

"Ah oo nga pala may date kayo."

"What? How did you know that? I told you to stop stalking her!"

Hindi ito ang unang beses na nagkita ulit kame. This is the second time actually, kung bakit sya sumusunod kay Aika, I don't know. Hindi ko alam and he won't tell me.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Aug 11, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her 20:20 Vision (HIATUS)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon