Chapter 19: Party

122 7 0
                                    

"Happy birthday happy birthday, happy birthday to youuuuuuu!"

Birthday na ni Julie tulad ng sabi nya kokonti lang kame. Kaming apat syempre, yung mga kapatid nila, wala si August hindi pwede dahil exams na daw nila next week.. Si jayson na wala pa pala hanggang ngayon, mga pinsan ni Julie.. at ang walang modo/hambog/bastos/feelinggwapo/womanizer/thick-faced kong kapitbahay?!

"Angela.. sino bang nag-invite jan?"

Tanong ko.

"Si Carlynne yata. Approved naman ni Julie e. 'Hamo na."

Sagot nya.

Naglakad ako sa direksyon ni Carlynne.

"Teh, bakit mo naman ininvite yung kapitbahay natin?"

Sita ko, tapos tumawa sya.

"Ano ka ba.. Friends friends na tayo tumatambay na nga dito yan eh."

"Alam ko. Pero.. hindi pa rin sya belong no!"

Naglagay ako ng wine sa baso ko. Hindi naman talaga ako umiinom ng bongga. Trip ko lang. Pumunta ako sa veranda.

"Mukhang may pinagdadaanan tayo ah?"

Napasimangot ako sa nagsalita at nilagay ko sa mesa ang baso.

"Anung ginagawa mo dito?"

Singhal ko.

"Wow ikaw lang ba ang may karapatang mag-inhale ng fresh air dito?"

Tatawa-tawang sagot nya.

"May nakakatawa?" Mataray ko pa ring sagot.

"Ikaw."

"What?!"

Ako? Nakakatawa? Kapal nya!

"Ang sungit mo kasi eh. May bisita ka siguro no?"

Ano daw? Hindi naman ako yung may birthday eh. I gave him a puzzled look.

Tumawa pa ito lalo.

"Hahahahahahaha. I mean yung ano hahaha dalaw hahahaha"

E talaga naman palang bastos ang isang to eh?!

"Bastos ka talaga kahit kailan!"

Makalayas na nga. Masisira lang ang gabi ko sa halimaw na to.

"Hahahahahah."

Tawa pa rin sya ng tawa. Arghhhh nakakainis talaga nakakainis! Teka.. May naalala ako.

Binalikan ko si halimaw na tumawa nanaman nung makita ako. "haha, namiss mo na nga ako? hahaha"

Ang kapal talaga neto!

"Anong ginawa mo sa phone ko nung nakitawag ka?!"

Tanong ko.

Tumawa pa ito lalo. Clown ba ko? Clown?

"Hahaha malamang tumawag hahaha nakitawag nga di ba? hahaha"

Feeling ko namumula na ko sa sobrang pagkairita. Konting konti na lang magbi-bingo na ang halimaw na 'to. Kanina pa sya namumuro e!

Umupo pa ito tapos pinatong yung paa nya sa maliit na mesa sa gitna ng veranda. Bakit ba at home na at home dito ang salot na to? Nakakainis talaga.

"Siraulo ka pala e. Nilagyan mo ng virus! Narinig mo? Virus! Kadiri ka talaga!!"

"Hahaha wait lang."

Umubo ubo ito.

*Ehem. Ehem*

"Okay game. Ano nga yun?"

Inubos lang pala nya ang tawa nya. Sira talaga :@

"Sino nagsabi sayong pwede mong lagyan ng virus ang phone ko?!"

Sigaw ko. Okay lang na sumigaw ako. Ang lakas naman ng music nila sa loob eh.

"Eh? Anong virus naman? Tinawagan ko lang yung kaibigan ko, nacorrupt ba yung memory card mo?"

Tanong nya.

"Hindi! Pero itong pagmumukha mo..." Inilabas ko ang phone ko at itinutok sa kanya.

"Virus nang maituturing! Ang kapal ng mukha mong kumuha ng pictures dito! Kadiri ka talaga!"

Bumunghalit nanaman ito ng tawa.

"Hahahaha nakakatawa ka talaga Aika hahaha."

"Pwede ba?! Hindi tayo close no! Wag ka ngang FC, atsaka anu bang nakakatawa?!!"

"Ikaw nga kasi. Ang cute mong mapikon hahaha." Tawa pa nito.

Kinuha nya yung phone sa kamay ko.

"Hoy! Hoy halimaw! Anong ginagawa mo? Ibigay mo yan. Ay! Ano ba? Abot mo na kase! Ay! Dali na!!"

Para akong batang tumatalon para makakuha ng candy. Bakit ba kasi ang tangkad ng halimaw na to. Lalo akong nanliliit eh.

May kung anong kinakalikot ito sa phone ko.

"Akina sabe! Leche ka! Ibigay mo na nga yan!"

Tawa nanaman ito. At talagang mas itinaas nya yung kamay nya para hindi ko maabot.

T____T

"Aiks anjan na si Jayson hinihintay ka sa-- Ayy nakaistorbo ba ko? Sorry. Hehehe."

Si Carlyyne.. Sabay peace sign.

Nakakahiya inabutan nya kong patalon talon para maabot yung phone ko. Tapos umalis na sya.

"Oh sige na oh. Heto na nakakatuwa ka talaga. Para kang bata."

Inabot nya yung phone ko tapos pinisil nya yung pisngi ko at umalis na patawa-tawa.

T-teka??

Hinawakan ko yung cheeks ko..

Para san yun?

Her 20:20 Vision (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon