Julie's POV
Monday ngayon, si Angela ang nakatoka sa shop. Kaya maaga pa lang ay umalis na sya.
Bale ganun nga yung sistema namen. Monday si Angela. Tuesday ako. Wednesday si Aika. Thursday si Carlynne. Friday kameng lahat.
Random na pag every saturday. Kung sino ang hindi busy at willing magbantay ng shop. Sarado ang "The Chos Shop" every Sunday.
Kasalukuyan akong nanunuod ng TV at katabi ko si Carlynne at si Aika na gumagawa ng mga designs. Kanina pa nga ito reklamo ng reklamo dahil napakaingay sa kabilang unit.
"Sino ba yang kapitbahay naten??!!!!" Tanong nito.
"Ewan ko. Parang last week lang yata may nag-occupy sa unit na yan eh." sagot ni Carlynne.
"Ang ingay! Hindi ako makapagconcentrate!!" Nagdadabog na tumayo ito at pumasok sa kwarto nya.
Lagi talagang yamot ang babaeng ito. Well imagine-in nyo na lang kung anong klaseng pagtatalak ang ginawa nya nung 2nd blind date nya.
Okay sige na heto ang explanation ko.
Yung friend ko, may instant dating program. So tinext ko sya kaso nung tinanong pala nya kung ilang taon na si Aika, ang natype ko 53 instead of 23. I was in a rush that time! Ayun, typo, so halos kainin ako ni Aika pagkauwing pagkauwi nya.
Ginatungan pa nung dalawa na tawa ng tawa!
“Isipin nyo ha, kung makapag-expect pa naman din ako, wagas! Tapos yung least expected ko na person sya pa pala yung kameet-up ko! Pero kasalanan nyong tatlo to e. Mga walang hiya kayo! Lalo na ikaw Julie! Nakuuuuu!!!" Gigil na sabi nito.
"Sorry naman Aika. Nagkamali lang talaga ako. Don't worry next time sisiguraduhin kong perfect na!"
“HAHAHAHAHA! Sana nagmano ka pagkakita mo sa kanya!”
“Tae. Late bloomer. Syittttttttttttttt! XD”
“Mga siraulo.Mabait naman kaso sumobra na nga sa kadaldalan, sumobra pa sa katandaan!”
“HAHAHAHAHA!!!!!!!!!!!!!!!!!”
"Natawa naman din ako sa mga pangyayare, kaya pinapatawad na kita Julie. Mabait naman talaga sya. At hindi naman sya ang sumira ng araw ko."
"Sino?" curious na tanong ko.
"Hindi ko kilala eh. Basta napakahambog nya!"
At nagpatuloy ito sa ginagawa nyang pagtatalak. Sino kaya yung tinutukoy nya?
Nasira ang pag-iisip ko ng narinig ko nanaman ang ingay sa kabilang unit. Sobrang lakas ng music!!
Napatingin kame ni Carlynne kay Aika. Binalibag nito ang pinto ng kwarto nya at lumabas. Patay. Nag-aalab nanaman sa galit to.
Dumiretso ito sa labas tapos pag balik ay galit na galit na ang hitsura. Parang kakain na talaga ng tao. Namumula na nga ito e. Small but terrible talaga. Tsk.
Aika's POV
Nagcoconcentrate ako sa pagdedesign utang na loob! Pumasok ako sa kwarto ko sa pagbabakasakaling hindi ko na marinig ang ingay mula sa kapitbahay.
Kaso wala talaga e. Tumayo ako at binalibag ko ang pinto. Lumabas ako ng bahay at kinabog ang pintuan ng katabing unit namen.
*knocks*
*knocks*
*knocks*
"Tao po!!!!!!!!" sigaw ko.
BINABASA MO ANG
Her 20:20 Vision (HIATUS)
Romance"You're my... Could've been. Should've been. But never was, and never will be.." What will happen if the past that you thought you already buried comes back and taps your back? A story that will open your eyes to something. Enjoy reading. =)) Love l...