Chapter 13: Fail

154 10 0
                                        

Back to Manhattan Heights!

Nagjajogging ako ng madaling araw. Alam ko kasing nagja-jogging yung si halimaw eh. Sabi ni Carlynne. Okay so alam na nila ang lahat-lahat,ang balak ko sa relasyon ni August nat ang tungkol kay Princess at sa kapitbahay namin.

5am na bakit hindi ko pa din nakikita yun?

Hayy ang sarap sa feeling. Aaraw-arawin ko na 'to kahit wala na sa plano.

"Wow anong meron at nag-jogging yata si ateng masungit?"

Sa wakas.

I turned my back to him.

"Nagpapasexy ako baket?"

"Sexy ka naman eh. No need"

I rolled my eyes. Ke-aga-aga.

"Do you wanna join me for a cup of coffee?" He smiled.

Sus! Walang binatbat ang smile mo sa smile ni Jayson!

"Okay."

Natigilan ito. Nagulat ka ngayon huh? Lokong to.

Ngumiti to ng nakakaloko. "Tara anu pang hinihintay mo?"

Pumasok kami sa unit nya. Higit na mas maganda ang unit nya. Hmmm. Mayaman.

Kailangan kong makahanap ng evidence para sa relasyon nila ni Princess. He walked straight to his kitchen. Nagpaiwan ako sa living room nya at nagtingin-tingin. Una kong nakita ang college graduation picture nya.

Brown na brown ang mata nya.

Sunod sunod na nakadisplay ang mga pictures nya. Nakahilera. Photogenic ang mokong.

Wala silang picture ni Princess. Baka naman kasi hindi niya sineryoso? Mahilig pala sa fling thingy tong si Princess baka gawin ding fling ang kapatid ko?

Natigil ang pag-iisip kong nang maramdaman kong may tao sa likuran ko.

"Gwapo no?"

Binitawan ko ang picture nito na naka-gwapo-sign.

"Yabang. Hindi ka photogenic. Panget."

"Aww. Alam ko namang mas naaakit ka sakin sa personal e."

"Ang kapal! Asan na yung kape at nang makaalis na ko dito!"

Walang kwenta wala namang ebidensya dito eh.

Pumunta kami sa kusina nya. Ngumingiti-ngiti ito.

"At anong ngini-ngiti mo jan?"

"Nothing. Natatawa lang ako dahil wala pa tayong maayos na pagkakakilala pero para na tayong mga aso't pusa."

"Yabang mo kase. Feeling gwapo." Bulong ko.

"Ano?"

"Wala."

"Okay. For formality sake. Ako pala si Chris."

Inabot nito ang kamay niya.

Hindi ko 'to pinansin kaya binaba din nya.

Shake hands mo mukha mo.

"I'm Aika."

I sipped a bit and asked him.

"Siguro marami ka ng babaeng nadala sa condo mo no?"

"Chicks? Not really. Well bukod sayo isa pa lang. Yung babaeng nakita mo nung sinugod mo ko. Grabe yun na ang pinakamakulit sa lahat ng naghahabol na babae sakin. Akalain mong sinundan ako pati dito. Nagpalit na nga ako ng address eh. Tsk, tsk."

Ungas! Pumalatak pa ito.

"Bukod sakin? Wag mo nga akong isama sa mga chicks mo. Wag kang sinungaling. Isa lang? Sus parang hindi naman."

"Totoo. Sya lang ang nakapunta dito. Ewan pano nalaman address ko. Bilang hindi ako bastos na tao. Winelcome ko na lang sya."

Ang kapal. Grr.

"Imbento. Minsan siguro dito pa sila natutulog tapos uuwi na ng umaga no?"

"Uy hindi ah. Wala akong chicks na ganun. Sa labas lang ako nangchichicks. Saka sila naman dumidikit sakin."

E anu tawag mo kay Princess?"

"Imbento talaga."

"Uy ikaw ah. Thou shalt not bear false witness to thy neighbor."

E kumusta naman yun. Nakita ng dalawang mata ko. Malinaw na malinaw.

"Ewan ko sayo."

Tumawa naman ito. Tsk wala naman nakakatawa e. Tinitigan ko sya ng mabuti. Maputi, payat pero hindi over-over. Brown ang mata. Matangkad. Gwapo.

Ay erase! Erase! All in all equals halimaw!

"Ehem. Mamayang konti matutunaw na ko."

Tsss yabang. Sumimangot ako at dinala sa ibang direksyon ang tingin ko.

Tumunog ang phone nito. May nagtext. Yumuko ito at nagbasa.

"Uhmm, may pantawag ka?"

Tanong nya.

"Meron baket?"

"Patawag naman ako saglet."

Mayaman pero walang pantawag???? Pero dahil hindi naman ako madamot na tao;

"Sige."

Inabot ko ang cellphone ko sa kanya at lumabas sya.

Kailangan talagang lumabas muna? Siguro babae nya lang ang tatawagan nya. Tumayo ako para malaman ko.

"Awww."

Ang sakit ng paa ko. Naupo ako ulit. Ngayon ko naramdaman ang sakit. First time kong magjogging at mag-ehersisyo. Nabigla yata katawan ko. Backpain pa. Huhuhuhu

Hindi na lang ako nakichismis sa kung sino mang babae ang tinawagan nito.

After mga 5 minutes bumalik na ito at inabot na rin ang phone ko.

"Salamat, Aika."

Salamat, Aika.

Parang hindi ito ang unang beses na binigkas nya ang pangalan ko.

Ay hinde ito kaya. Hina ng utak ko bakit hindi ko matandaan??? Parang may something akong naramdaman. Hindi ko maisip eh. Ang weird.

Inubos ko na lang kaagad yung kape ko para makapagpaalam na't makalayas na ko.

Wala naman syang kwenta. Wala man lang akong napala.

Next time daw ulitin namin. Next time your face.

Her 20:20 Vision (HIATUS)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon