Chapter 4: The Other Sides of The Square

151 18 0
                                    

Angela's POV

Angela Louise Rafanan here. \m/

Napangiti ako nang pumayag si Aika na makipagblind date ulit. Ewan ko ba pero malakas ang urge ko na pilitin syang makipagboyfriend. Ulit? I really don't know if I should say "ulit"

Ginagamit ko lang naman yung Blind Date thingy pero malakas ang pakiramdam kong parehas kami ng naiisip nung dalawa.

Masyadong pihikan sa mga lalaki si Aika. Well hindi naman niya pinairal yung pagkapihikan nya sa first blind date nya dahil maniac nga naman yun.

Gusto ko lang malaman kung bakit sya ganyan when it comes to lovelife. Hindi ko masabe kung may kinalaman pa 'rin ba 'to sa High School Life namin date.

At yun, ang aalamin ko.

Julie's POV

My first POV :) Julie Ann Nicole Chua here!

Hindi pa rin ako makapagmove-on kay LOLA HELENE. Ang kulet grabe. HAHAH. Kahit kailan talaga, isang malaking tinik si August.

Hindi ko lang maintindihan kung bakit lagi nyang inaaway ang ate nya. Pero syempre alam ko naman na nagmamahalan sila. Somehow? Haha.

Tinanong ko si Aika na parang nahulog sa napakalalim na pag-iisip.

"Ano, blind date ulit??" sabi ko.

She was about to say no nang medyo natigilan sya.

Narinig ko ang malalim nyang pagbuntong hininga.

At last a sumagot sya.

"Okay."

And I was like.. Wooaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh!

Carlynne's POV

And yes, here I come. Carlynne Soriano \m/

"Okay"

What? Wait, napatingin ako kay Julie. Nagthumbs up sya. Nang tignan ko si Angela ay medyo nakakunot ang noo nito. Parang may iniisip. Nagkukunwari nanaman ito na marunong mag-isip. Haha chos!

Kinalabit ko sya.

Nakuha ko din ang atensyon nya. Tumingin sya sakin. Tapos kay Julie. Tapos kay Aika.

Ngumiti sya. At syempre alam ko na yung ngiting yun. Sana naman sa blind date na to maayos na nilalang na ang makadate ni Aika. Para wala na syang reklamo. Haha. And para magkalove life na sya ulit!

Her 20:20 Vision (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon