Chapter 10: Hana

148 15 0
                                        

"H-hindi. Inaantok lang ako.."

Naglakad sya papunta sa counter table.

"Jayson, upo ka."

Umupo nga ito.

"Ahm.. Pano mo nalamang dito yung shop?"

"Nakita kitang pumasok dito eh."

"H-ha? E bat hindi ka kaagad pumasok? Andami ng customer ang naglabas pasok kanina pa."

Anak ng! Bakit ba sya smile ng smile??????????? Katunaw!

"Para bumili nito."

Faa.. Faa... Faa...

Naghappy dance ang katauhan ko!!!

"T-thank you. Bat naman nag-abala ka pa?"

FLOWERS!!!

"Syempre. Nakalimutan ko kasing kunin yung number mo eh" Napakamot ito ng ulo.

Kung ganito ba sya kumuha ng number aba'y bakit hindi! Kahit landline # pa ibibigay ko!!

Syempre hindi na ko nagpakipot. Binigay ko na no. 

Inamoy ko yung flowers na binigay nya.

*click*

Nagulat ako at kinuhanan pala nya ko ng picture. Bakit naman stolen hindi tuloy ako nakapagpose.

For the nth time nagsmile sya then nag-wave.

"Sige Aika ha, kailangan ko ng umalis may trabaho pa 'ko. Dinaanan lang talaga kita eh. Bye"

"Thank you.. Sige. Ingat."

Nagwave din ako tas lumabas na sya.

Hayy.

Yung mga sumunod na oras parang ang bagal. Pero syempre masaya ako. Kilig-kiligan ang drama ko eh.

Hanggang sa magsasara na 'ko ng shop. Syempre bitbit ko pauwi yung flowers.

"Hana. Hana. Hana. Hana." (flower flower flower flower)

Paguwi ko heto na bonggang paguusisa na ang naganap. Ako naman walang sawa sa pagkukuwento. Kahit paulit-ulit pa.

"Gutom na 'ko!"

Nahiga ako dun sa sofa. Pero pinalayas ako ni Angela

"Tabi ka nga jan ako! May pinapanuod ako eh."

"May pagkain sa kusina." sabi naman ni Carlynne.

Wow mechado. Sino kaya ang nagluto nito. Ay malamang si Julie.

Sarap na sarap na 'ko sa pagkain ng pinuntahan ako ni Julie sa kusina.

"Masarap ba?" tanong nya.

"Approve teh. Pwede ka ng mag-asawa!" nag-thumbs up pa ko.

"Eh bakit naman pwede na 'ko mag-asawa?"

Slow.

"Gumagaling ka na magluto eh."

"Hindi ko luto yan."

Hindi sya? Imposibleng si Carlynne o si Angela. Basta imposible. Kung ganun binili nila somewhere?

"Ah lutong ulam? San nabili?"

"Hindi yan binili."

"Eh san galing to???"

"Sa kapitbahay. Binigay."

Natigil ako sa pagsubo.

"S-sinong kapitbahay?"

"Yung kaibigan mo."

"Kaibigan?"

"Sabi nya."

Anak ng pating! Hindi ko na itinuloy ang pagkain ko. Kaibigan? Duh!

Hinugas ko na lang yung pinagkainan ko atsaka dumiretso sa sala.

"Kaibigan mo nga yung kapitbahay natin?" tanong ni Angela

"N-O spells NO. N E V E R."

"Ha? Bakit sabi nya?"

"Ay naku wala ka nga pala nung Monday. Halos kainin sya ni Aika ng buhay dahil nambubulahaw sa todo lakas ng music nya." sbat ni Carlynne.

"Wag mo ngang paniwalaan ang lecheng yun."

"Pero parang mabait naman sya."

"Akala mo lang yun Julie."

"May kamukha nga sya eh." parang wala sa sariling sabi ng Carlynne.

"Sino?" tanong naming tatlo

"Ha?"

"Sinong kamukha ni Chris. Yung kapitbahay natin?"

Natigilan ito.

Tinulak ko sya. "huyy!"

"W-wala. Schoolmate natin nung high school. Pero hindi pala. Akala ko lang. Ang layo kaya ng hitsura. Biglang tingin lang. Hehe."

Umiwas sya ng tingin sakin.

"Sino naman?"

"H-ha? Nakalimutan ko na yung pangalan eh."

"Ahh. Ganun ba.."

Sagot ko na lang.

"O-oo."

Her 20:20 Vision (HIATUS)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon