Jayson's POV
"Feeling ko kase, ako din.. I was born to love you.."
Kitang kita ko ang panlalaki ng mga mata ni Aika. Sh*t naman ang corny ko. Napakabaduy. Para tuloy desperado akong makaporma sa kanya.
Nag-iwas ako ng tingin. Nakakahiya ka Jayson!
Pumikit ako dahil tumigil na kame sa MH. Parang biglang naglaro sa utak ko ang imahe ni Arianne.
Double sh*t! Nakaramdam nanaman ako ng kirot. Napahawak ako sa dibdib ko.
Nakapasok na si Aika pero hindi pa rin ako nagdrive paalis. Heto nanaman ako.
Bakit ba kailangan bumalik pa yung sakit nung nakaraan? Ang baduy ulit leche. Pero ganito kasi yung nararamdaman ko.
Pinilit ko syang ipaglaban eh. Kahit nanlalamig na sya. Tapos.. biglaan lang. bigla hindi na nya ko mahal? Lokohan lang pala ang naging relasyon namen. T#@%*@%#!
Hindi nya deserve ang pagiging bitter ko hahahahaha. Tatawa-tawa ako kahit masakit ang pinanggalingan.
Umalis na ko at pinaharurot ang sasakyan paalis. I turned on the stereo.
♫ Nandito nakaukit pa rin sa puso ko,
Ng sabihin mong wag na lang.
Nandito nakatatak pa rin sa isip ko,
Kung paano mong kinalimutan ang lahat.
Kay bilis ba't umalis, nakakamiss
Na bigla lang di ko man lamang nalaman
Na mawawala,
Na bigla lang di mo man lamang naisip
Na idahan-dahan.
Hindi ako sanay sa biglaan,
Unti unti na lang sanang nawala.
Hindi ba natin kayang magkunwari,
At sabihin sige na lang
Hindi ba natin kayang dayain,
Ang mga yakap sa tuwing lumalambing
Kay bilis na umalis, nakakamiss
Na bigla lang di ko man lamang nalaman
Na mawawala,
Na bigla lang di mo man lamang naisip
Na idahan-dahan.
Hindi ako sanay sa biglaan,
Unti unti na lang sanang nawala. ♫
Pusang kinalbo naman. Pati ba naman to?! Nakakainis tantanan mo na ko past utang na loob. May iba ng mahal yung tao. Who knows mag-asawa na pala sila? Tsk.
Daig ko pa ang ampalaya. Eto na ang huling gabi.. Ang huling gabi na aalalahanin kita. Pinapangako ko..
BINABASA MO ANG
Her 20:20 Vision (HIATUS)
Romance"You're my... Could've been. Should've been. But never was, and never will be.." What will happen if the past that you thought you already buried comes back and taps your back? A story that will open your eyes to something. Enjoy reading. =)) Love l...