“Kyra! Bilisan mo! Baka malate ka sa first day mo!” bulyaw ni mommy sakin habang paulit-ulit syang kumakatok sa pintuan ng kwarto ko“mi. Kelangan ko ba talagang pumasok?” naka busangot na tanong ko sakanya nang buksan ko ang pintuan
“of course!”
“eh pano po kung umatake yung sakit ko?”
“kaya nga dapat lagi mo lang suot yang relos mo. Basta tatandaan mo lang kapag mabilis at malakas na ang naging tunog nyan relos at nakita mo na malapit na sa 100% ang rate na nakalagay dyan, dapat pumunta ka kaagad sa isang lugar na walang tao saka mo irelax ang sarili mo. Okay?” halos 9 years nang pinapaalala sakin ni mommy lahat ng nyan kaya kabisado ko na din
“okay po”
Wala naman talaga kong balak pumasok ng school. Okay naman na ko sa home schooling ko kaso itong sila mommy ang sabi nila ngayon college na ko kelangan ko nang pumasok ulit sa school at sabi pa nila para daw maranasan ko naman ang makisalamuha sa iba. Kaya ito sapilitan nila kong in-enroll sa isang University. 9 years na kong nag ho-home schooling dahil sa sakit ko. Sakit na hindi namin alam kung ano ba talaga ang lunas. Dahil don wala akong social life at mga kaibigan.
“oh. Anak andito na tayo sa school mo” nakangiting sabi pa ni daddy ng ihinto nya sa tapat ng gate ng school ang kotseng minamaneho nya
“di? Baka naman pwde pa kong umatras? Ayoko talagang pumasok! Natatakot po ako”
“hindi dapat ipag kait sayo ang normal na buhay. Dapat makisalamuha ka sa iba at mag karoon ng mga kaibigan” pag dadrama pa nya sakin lagi syang ganito mag salita minsan tuloy nag dadalawang isip na ko kung totoo pa ba o drama na lang yung mga sinasabi nya
“pano po pag inatake ako ng sakit ko?”
“2 years na syang hindi lumalabas dahil nagagawa mo syang kontroling sa tulong ng relos na yan. Kaya nga dapat tandaan mo lahat ng dapat mong gawin pag tumunog yan-----”
“dapat pumunta agad ako sa isang lugar na walang tao saka ko irelax ang sarili ko bago umabot sa 100% ang rate ng relos ko” pag papatuloy ko pa sa sinasabi ni daddy. Tulad nga nag sabi ko kanina kabisado ko na lahat yon kase 9 years ko nang naririnig sakanila
“mabuti at kabisado mo na”
45% to 50% ang normal rate ng presyon ko kaya kung tataas pa sa 50% ang rate ko ibig sabihin lang non ay sobra na ang kaba, takot, lungkot at galit na nararamdaman ko kaya dito na mag sisimula ang mahina at mabagal na pag tunog ng relos ko at habang tumataas ang percentage rate ko ay bumibilis at lumalakas din ang pag tunog ng relos na suot ko hanggang sa umabot nato sa 100% rate na magiging dahilan ng pag atake ng sakit ko. Ang gulo diba? Basta kelangan kong panatiling kalmado lang ang sarili ko sa lahat ng oras.
BINABASA MO ANG
Only Me and I (Editing)
Mystery / ThrillerKyra Celestine Nicolas is 18 years old teenager who got bullied at the young age of 9 years old. And being a victim of bullying cause mentally depression and a trauma to her. Because of this tragedy she never had a social life as a teenager. When sh...