-Calvin’s POV-*hindi ko alam kung bakit nasabi ni Kyra na wag akong lalayo o matatakot sakanya, pero bakit ko naman gagawin sakanya yon? Wala akong maisip na dahilan para gawin sakanya yon, sigurado ko sa sarili ko, sigurado ko na hindi ko magagawa yon sakanya*
“pinapangako ko na kahit ano man ang sabihin mo sakin ngayon hindi yon magiging dahilan para mabago ang tingin ko sayo” habang nakahawak pa din ako sa kamay ko
“ang totoo kase nyan” huminga muna sya ng malalim bago ulit sya mag salita “ang babaeng gusto ni Minton at ang babaeng naging girlfriend nya kahapon ay hindi ako, kundi si Amara” seryoso ang mukha na sabi nya
“Amara? Sinong amara?” naka salubong ang kilay na tanong ko sakanya
“9 years ago simula nung mabuhay ang identity nya dito mismo sa loob ng katawan ko”
“what? Hindi ko maintindihan”
“9 years ago nang makaranas ako ng pambu-bully, simula non nag karoon ako ng trauma at mentally depression kaya simula non nag kulong na lang ako sa loob ng kwarto ko, wala akong ibang kausap kundi ang sarili ko, kaya nag kasakit ako na kung tawagin ay dual identity disorder”
“dual identity disorder?”
“oo. Nag mula ang sakit ko na yon dahil sa trauma at depression na naranasan ko. Nakalikha ako ng isa pang identity sa loob mismo ng pag katao ko, ang identity na yon ay si Amara. Nagigising sya sa twing tumataas sa 100% ang percentage rate ng presyon ko, at dito sa relos ko na to nalalaman ang percentage rate ko”
“kaya ba madalas yang tumunog?”
“oo. Yun nga ang dahilan ng pag tunog ng relos ko. Ang sobrang kaba, sobrang takot at sobrang lungkot ko ang nag papataas ng percentage rate ko”
“kung ganon pag natatakot, kinakabahan o nalulungkot ka ng sobrang saka tumataas ang percentage rate mo? At pag umabot sa 100% ang rate mo magigising si Amara? Ganon ba ang gusto mong sabihin?”
“oo. Lumalabas ang isang identity ko na si Amara at ako naman ang nawawala, tapos makakabalik na lang ako kapag natulog na si sya dahil sa sakit ko na to hindi ako nag karoon ng normal na buhay”
“teka. Posible ba talaga ang lahat ng sinasabi mo sakin?”
“hindi ka ba nag tataka minsan sa paiba-ibang ugali ko?”
*Paiba-ibang ugali nya? Matagal ko na ngang napapansin yon, minsan talaga makiramdam ko sinasapian sya dahil parang nagiging ibang tao sya, mula sa tahimik at mahinhin ay nagiging maingay at kikay sya*
“kung ganon totoo nga lahat nyan?”
“Oo”
“so ikaw ang totoong Kyra? Yung taong una kong nakilala? Yung tahimik lang?”
“oo. Ako nga ang main personality”
“alam ba ni Minton lahat ng to?”
“hindi. Ikaw, ang mommy at daddy ko lang ang may alam ng lahat ng to”
*nalungkot ako sa nalaman kong sakit ni Kyra pero sobrang humanga din ako sakanya dahil napaka tapang nya para kayanin ang lahat ng to*
“Pero anong plano mo ngayon sainyo ni Minton?”
“hindi ko nga alam eh. Pano ko pa sya lalayuan? ang alam nya kami nang dalawa, na girlfriend nya ko”
“Edi aminin mo sakanya, sigurado ko maiintindihan ka din nya tulad ng pag intindi ko sa lahat ng inamin mo sakin”
BINABASA MO ANG
Only Me and I (Editing)
Mystery / ThrillerKyra Celestine Nicolas is 18 years old teenager who got bullied at the young age of 9 years old. And being a victim of bullying cause mentally depression and a trauma to her. Because of this tragedy she never had a social life as a teenager. When sh...