5 pm ang start ng party ni Calvin, maaga ang start para daw masulit namin yung oras, hanggang 10 pm lang kase ang party nya bawal kase kaming abutin nang masyadong gabi dahil may pasok pa kami kinabukasan. Kaya 10 am pa lang inasikaso ko na ang iba-bake kong cupcakes at cookies para kay Calvin. Isa kase ang pag ba-bake sa mga naging libangan ko nung andito lang ako palagi sa bahay. Nang matapos na ko ay inilagay ko ito sa isang magandang box at nilagyan ko ng red ribbon sa gitna para maganda ang maging presentation ng regalo ko sakanya. Nang mai-prepare ko na ang lahat ay gumayak na din ako dahil 4:30 pm ay pupunta na si Alice dito para daanan ako.~4:30 pm~
“Good Afternoon po tita” ani Alice na nag beso pa kay Mommy habang nakatayo kami sa tapat ng pinto
“mi. Sya si Alice yung kinukwento ko pong friend ko”
“hi. Alice! Pasok ka muna gagawan kita ng meryenda”
“naku. Hindi na po tita salamat na lang po, aalis na din po sana kami. Hinihintay po kase kami ng pinsan ko sa kotse. Mag papahatid po kami sa bahay ng friend namin”
“ah. Ganon ba? Osige. Ingat kayo”
“bye mi” saka ako nag beso kay mommy
“enjoy kayo”
“opo”
Saka kami tuluyang sumakay sa kotse na service ni Alice, naka jumper si Alice at nike shoes habang ako naman ay naka white long sleeve, black pants with black adidas running shoes. Ilan minuto lang ay nakarating na kami sa bahay nila Calvin, first time namin makapunta dito actually muntik na nga kaming maligaw pero tinawagan lang namin si Calvin para mai-describe samin ang daan papunta sakanila tapos ina-bangan na lang nya kami sa labas ng gate nila.
“Happy birthday!” agad na sabi sakanya ni Alice sabay abot pa ng regalo nya
“thankyou!” nakangiting sabi naman ni Calvin sakanya
“muntik pa kaming maligaw!”
“buti nga hindi eh. Sige na pasok na kayo” habang pinag buksan pa nya kami ng gate, si Alice ang naunang pumasok at kasunod naman nya ko
“happy birthday!” bati ko sakanya habang mag kasabay kaming nag lalakad papasok ng bahay nila
“salamat! Yan ba yung regalo mo sakin” sabi pa nya na itinuro pa ang box na dala ko
“oo. Kaso nahihiya akong ibigay sayo” nakayukong sabi ko pa sakanya
Mabilis naman nyang hinablot sakin ang regalo ko “wow! Cupcakes at cookies”
“si Kyra mismo ang nag bake nyan para sayo!” ani Alice
“talaga?” masaya ang mukha na sabi nya sakin habang nakahinto pa kami sa pag lalakad
“uhmmm. Oo”
“Thankyou Kyra!” saka nya ko mabilis na hinalikan sa pisngi
Sobrang nagulat ako sa ginawa nyang yon, kaya hindi na ko ulit nakapag salita. *pakiramdam ko lumulutang ako sa saya! Totoo ngang gusto ko na sya. Sigurado na ko don ngayon* nahinto lang ako sa pag iisip ng biglang mag salita ulit si Alice.
BINABASA MO ANG
Only Me and I (Editing)
Mistero / ThrillerKyra Celestine Nicolas is 18 years old teenager who got bullied at the young age of 9 years old. And being a victim of bullying cause mentally depression and a trauma to her. Because of this tragedy she never had a social life as a teenager. When sh...