-Kyra’s POV-~Kriiiing!~ isang malakas na pag tunog ng alarm clock ang gumising sa diwa ko pero kahit anong pilit ang gawin ko ay hindi ko maimulat ang mga mata ko *Kyra. Wake up!* kasabay ng pag mulat ng mga mata ay ang malalim na pag hinga ko. ~hhhhhaaaaa~ mabilis naman akong bumangon sa pag kakahiga ko na para bang hingal na hingal ako sa pagod, saka ko hinawakan ang mga braso at mukha ko.
“nakabalik na ko!” masayang sabi ko kasabay ng pag tulo ng mga luha ko
Napatulala na lang ako ng maalala ko kung pano nag simula ang lahat ng to. 9 years old pa lang ako nang makaranas ako nang pang bubully, dahil don nag karoon ako ng mentally depression at trauma simula non ayoko nang pumasok ng school at nag kulong na lang ako sa kwarto ko, kahit anong gawin nila mommy at daddy hindi nila ko magawang mapalabas ng kwarto kaya dinadalan na lang nila ko palagi ng pag kain, halos isang buwan din ako nag kulong ng kwarto wala akong ibang kausap kundi ang sarili ko, sobrang galit, kaba, takot at lungkot ang naramdaman ko sasiag-iisa ko, ito ang naging sanhi sa pag kakaroon ko ng sakit na kung tawagin ay “Dual Identity Disorder” sa sakit na’to nag simula ang lahat. Ito ang naging dahilan kung bakit nag karoon ng sariling buhay at pag-iisip si Amara, sya ang pangalawang identity ko. Nagigising sya pag umaabot sa 100% ang rate ng presyon ko, at muli naman syang nawawala at muli akong babalik kapag tumaas din sa 100% ang rate nya o kapag nakatulog na sya. Sobrang mag kaiba ang personality na meron kaming dalawa. Walang ayos sa sarili, tahimik, mahiyaan, hindi marunong makipag kaibigan at hirap akong kontrolin ang pag taas ng percentage rate ko, habang si Amara naman ay kikay mag ayos, masayahin, friendly, palaban at magaling sya sa pag kontrol ng percentage rate nya. Pero dahil ako ang main identity
kahit na lumabas na si Amara ay nagagawa ko pa din syang kausapin sa pamamagitan ng isip na hindi naman nya kayang gawin sakin. After 2 years ngayon na lang ulit sya nagising dahil sa Minton na yon. Kapag andyan sya bumibilis ang pag taas ng percentage rate ko! kaya dapat layuan ko sya.“mi, di? Nakabalik na po ko!” masayang sabi ko habang nag mamadali ako sa pag baba ng hagdan
“kyra?” ani mommy na dahan-dahan pang lumapit sakin “ikaw na ba yan Kyra?”
“yes mi”
Saka nya ko mabilis na niyakap “mabuti naman at nakabalik ka na!”
“anak. Ano ba kaseng nanyare? Bakit nagising na naman si Amara?” - Daddy
*kung sasabihin ko sakanila na dahil sa schoolmate ko baka hindi na nila ko pabalikin ng school, hindi ko na makikita si Alice at Calvin. Hindi nila pwde malaman ang totoo*
“sorry mi, hindi ko na po hahayaang maulit”
“Okay anak. Kumain at gumayak ka na may pasok ka pa” - mommy
“opo. Maliligo na po ko” saka ako mabilis na umakyat ng kwarto para maligo
~Classroom~
“Goodmorning Kyra!” nakangiting bati sakin ni Calvin habang nakaupo ako at nakatayo naman sya sa harapan ko
“Goodmorning din” saka ako matipid na ngumiti sakanya
Mabilis naman syang umupo sa tabi ko sa bandang kaliwa “bakit parang matamlay ka? Kahapon napala energetic mo”
“ah. Eh. Wala!”
-Calvin’s POV-
*ano kayang problema? May kakaiba talaga sakanya, ibang-iba talaga sya kumpara kahapon*
“Goodmorning!” nakatodo ngiti na sabi pa ni Alice habang papalapit samin
“oh. Pano ba yan? Ikaw ang late ngayon huh?” nakangising sabi ko naman sakanya
BINABASA MO ANG
Only Me and I (Editing)
Mystery / ThrillerKyra Celestine Nicolas is 18 years old teenager who got bullied at the young age of 9 years old. And being a victim of bullying cause mentally depression and a trauma to her. Because of this tragedy she never had a social life as a teenager. When sh...