Kabanata 40

119 3 0
                                    


~Supermarket~

Masaya ko na andito ko ngayon sa supermarket atleast malilibang ako kahit papano. Mabuti na lang at hindi gaanong madami ang binabibili ni mommy kaya kerry ko pa din buhatin mag isa. Nang matapos na kong mag groceries ay nag mamadali na din akong lumabas nang supermarket medyo gabi na din kase kaya kelangan makauwi na din ako. Nang makasakay na ko sa bus stop ay na gulat na lang ako nang makita ko si Minton na nakasakay din pala sa bus na’to. Hindi ko alam kung bakit pero hindi nta kasama si Calvin, nang makita naman nya ko ay halata din sakanya ang pagka gulat na makita ko. *Si Minton? Go Kyra! Kaya mo yan! Lapitan mo sya at kausapin!* dahil sa positives thinking ko nilakasan ko ang loob ko, nilapitan at tumabi ako sakanya. Wala naman syang iba nang tabihan ko na sya.

“ka...musta ka na?” agad na tanong ko sakanya

“ayos lang” maikling sagot naman nya sakin pero ni hindi man lang nya ko nilingon

“ah. Mabuti naman kung ganon. Uhmmm. Alam ko pala yung nanyare sainyo ni Amara”

“wag na natin yun pag usapan”

“pero!”

“tapos na yon!”

“ano ba kase talagang dahilan bakit gusto mo na syang layuan?”

“hindi ko ba na sabi?”

“huh?”

“hindi lang sya ang gusto kong layuan kundi pati ikaw Kyra!” sabay lingon pa nya sakin

“pe--pero bakit?”

“alam mo yung dahilan diba? Ayoko nang makita si Amara. At kung mag kakalapit pa tayo mag kikita na naman kami and besides hindi naman kawalan sakin kung hindi na ulit tayo mag kakasama o mag kakausap kaya please layuan mo na lang din ako! Ayoko na syang makita, ayoko na kayong makita!” pag kasabi nyang yon ay bumaba na din sya sa isang bus stop kahit malayo pa dun ang bahay nila at mabilis din naman akong bumaba para sundan sya

“teka lang Minton!” sigaw ko pa sakanya nang nag mamadali syang mag lakad palayo sakin

“hindi ka ba talaga marunong umintindi!? Diba sinabi ko nya na layuan mo na ko!?”

Dahan-dahan naman akong nag lakad papalapit sakanya habang walang kurap akong nakatingin sa mga mata nya “pano ko naman gagawin yon? Sabihin mo sakin kung pano!?”

“hindi mo na kelangan itanong sakin yan. Diba dati pa lang yan naman na yung ginagawa mo? Ang layuan ako!”

“pero iba na kase ngayon Minton”

“panong iba!? Wala na kami ni Amara kaya wala nang dahilan para lumapit pa ko sayo. Sya lang naman talaga yung dahilan nang pag lapit ko sayo! Wala nang i----”

“Pero mahal na kita! Mahal na kita Minton, kaya pano ako lalayo!? Pano!” maluha-luha ang mga matang pag amin ko sakanya

-Minton’s POV-

Napatulala lang ako sa pag amin na ginawa nya sakin. *Hindi pwde to! Mas kelangan ko pa talagang lumayo sayo ngayon. Imposible para sating dalawa ang mag sama, pahihirapan lang natin yung mga sarili natin kung hindi pa natin lalayuan ngayon ang isa’t-isa*

“Hindi ko na problema kung pano mo yon gagawin. Basta ayoko nang makita ka pa!”

“kahit hindi mo ko mahalin, okay lang sakin basta wag mo lang akong layuan”

“kaya ka ba pumayag na makihati si Amara sayo dahi-----”

“tama ka! Pumayag akong makihati sya sa oras at katawan ko dahil sayo, dahil gusto kong sumaya ka at dahil gusto ko na kahit papano makasama ka”

“pe...ro... Imposible na para satin ngayon ang mag sama. Hindi na kase si Amara ang mag papasaya sakin” *dahil ngayon isa lang ang mag papasaya sakin, ang makita ka kahit sa malayo, ang malaman ko na wala nang sakit na umaagaw sa pag katao mo Kyra*

“kung ayaw mo na talagang makita si Amara, ko-kontrolin ko na lang yung pag taas ng presyon ko, o kaya gawin na lang natin yung ginagawa natin lagi na tatlong hakbang ang layo natin sa isa’t-isa. Okay na ko don basta wag mo lang akong layuan” pag mamakaawa pa nya sakin

“Hindi mo ba talaga na ge-gets? Ayoko nang makita ka! Kase pag nakikita kita parang si Amara na din yung nakikita ko! Tanggapin na lang natin na imposible talaga para satin ang mag sama!” pag kasabi kong yon ay tuluyan na kong umalis at iniwan ko syang mag isa

*alam ko na may point sya nang sabihin nya na pwde pa din namin gawin yung dating ginagawa namin pero hanggang kelan? Si Calvin ang para sakanya, si Calvin lang ang may kakayahan para pakalmahin sya pag si Calvin ang kasama nya wala syang sakit na kelangan intindihin*

-Kyra’s POV-

Naka-titig lang ako sakanya habang nag lalakad sya palayo sakin. Biglaan ang mga nanyare, okay naman ang lahat tapos bigla na lang ayaw na nya kay Amara at pati ako damay, pati ako gusto na nyang layuan. *siguro nga may iba na syang gusto kaya gusto na nyang lumayo*

~House~

“Andito na po ko” matambay na sabi ko nang maka-uwi na ko nang bahay namin

“oh. Anak bakit ngayon ka lang? Nag alala tuloy ako”

“sorry ma. Madami lang po kaseng tao sa supermarket”

“ah. Ganon ba? Tara kumain na tayo” isang masarap na kare-kare ang ulam na niluto ni Mommy paborito kase namin ni daddy yon

“andito na po ba si daddy?”

“oo anak andito na ko” naka todo ngiting sabi pa ni daddy habang pababa pa sya ng hagdanan

*sa mga ganitong pag kakataon na sobrang lungkot ko, ang mommy at daddy ko lang talaga yung nag papagaan ng loob ko*

“di. Kain na po tayo”

“tara! Gutom na nga ako eh!”

“ayan huh? Pinag luto ko kayo nang favorite nyo”

“ang swerte ko talaga sa mahal ko” naka todo ngiti na sabi pa ni daddy habang yakap-yakap pa nya si mommy

“naku. Bolero ka! Maupo ka na at nang makakain na tayo” ani Mommy

Naupo na nga kami para kumain. *Sana maka-hanap din ako nang lalaki na katulad ni Daddy, yung kahit matagal na sila ni mommy hindi pa din sila nag sasawa sa isa’t-isa*

“kamusta na anak sa school?” - Mommy

“Ayos lang naman po kasama ko pa din po ngayon 2nd sem yung mga kaibigan ko nung 1st sem. Saka ilang linggo na lang din po final exam na namin”

“Mabuti naman kung ganon. Akala talaga namin ng mommy mo hindi ka tatagal sa school, mabuti na lang at nag karoon ka nang mga kaibigan mo”

“oo nga po” saka ako matipid na ngumiti sakanila

Nang matapos na kami sa pag kain ay umakyat na agad ako sa kwarto ko para mag shower at nang matapos na kong mag shower ay mabilis naman akong nahiga sa kama ko, at muli nag flash back na naman sakin yung mga nanyare kanina, hanggang sa dahan-dahan na namang bumagsak ang mga luha ko kasabay nang pag tunog ng relos ko na nasa 72% na ang rate. *Ano ka ba Kyra! Kumalma ka lang pwde! Bakit ba kase ganito? Hindi ko ma-kontrol ang sakit!* hindi ko nagawang kontrolin ang pag iyak ko dahil sa sakit na nararamdaman ko, maisip ko lang na hindi na ulit kami mag kakasama o makakapag usap man lang ni Minton sobrang nasasaktan na agad ako kaya nag patuloy lang ang pag buhos nang mga luha ko, hanggang sa umabot na sa 99% ang percentage rate ko kaya pumikit ako para hintayin ang pag amg pag gising ni Amara pero ilan minuto na wala pa din nanyayare. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko saka ako mabilis na tumingin sa relos ko. *100% na ang percentage rate ko pero hindi pa din ako nawawalan nang malay. Anong nanyayare? Bakit ganito?* sobrang pag tataka ko sa mga nanyare, ngayon lang kase nanyare sakin to. Sira ba yung relos ko? Yun nga ba yung dahilan?
~

Only Me and I (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon