-Minton’s POV-“kyra!?” malakas na tawag ko sakanya ng makatulog sya habang nakasandal pa ang mukha nya sa dibdib ko
“Anong nanyare kay Kyra? Nakatulog ba sya?” - Alice
“kanina uminom sya ng isang basong wine tapos ngayon mukang nainom nya yung beer na andito sa baso ko” ani Tyrone bahang hawak-hawak pa nya ang baso
Mag kasabing yon ni Tyrone ay mabilis ko naman binuhat si Kyra para dalin sa salas para ihiga sa sofa. Naka sunod naman sakin si Alice at Tyrone.
“Kyra? Gumising ka” ani Alice
“sa tingin ko first time nyang uminom kaya nalasing sya agad” Ani Tyrone
“anong nanyare dito!?” - Calvin
“si Kyra. Aksidenteng yatang nainom yung alak”
“huh!?” saka ito mabilis na lumapit kay Kyra “Kyra?”
“Insan kami nang bahala kay Kyra, mabuti pa asikasuhin mo na yung iba mong bisita”
“hindi! Dito lang ako!”
“Calvin!? Wag ka nang makulit tatlo-tatlo na nga kami dito oh! Saka nalasing lang tong si Kyra nothing serious okay!?” - Alice
“pe---”
“sige na brad kami nang bahala dito tatawagin ka na lang namin pag nagising na sya” dagdag pa ni Tyrone
“okay sige. Tawagin nyo na lang ako agad”
“sige”
“kayo nang bahala kay Kyra” pag ulit pa nya saka sya tuluyang umalis
-Amara’s POV-
“mabuti pa bumalik ka na din dun sa table nyo. Baka hinihintay ka na nang mga barkada mo”
“dito lang ako. Sakin dapat ang alak na nainom ni Kyra kaya responsibilidad ko din ang nanyare sakanya” - Tyrone
“kaya na namin to ni Alice!”
“pwde ba!? Wag na nga kayo mag bulyawan dito!” ani alice
“ito kase eh!”
“ikaw nga dyan eh!” sagot naman sakin ni Tyrone
*Teka! Anong ingay ba ang naririnig kong yon? Bakit parang may nag aaway akong naririnig? Amara wake up!? Wake up!* Pag kasabi kong yon sa isip ko ay bigla na lang dumilat ang mga mata ko kasabay ulit ng malalim na pag hinga ko.
“kyra!?” agad na bungad sakin ni Minton kasama nya si Alice at isang lalaki na ngayon ko lang nakita
“kyra ayos ka na ba?” - Alice
Dahan-dahan naman akong bumangon sa pag kakahiga ko sa sofa habang nakaalalay pa sakin si Minton “bakit ang sakit ng ulo ko?”
“aksidente mo kasing nainom ang isang basong alak” paliwanag pa sakin ni Alice
“ano!?”
*Kyra!? Kelan ka pa naging lasingera huh? Ang sakit tuloy ng ulo ko!*
“teka kukuha kita ng tubig” ani Alice saka sya patakbong umalis
“nasan ako?”
“lasing ka nga” nakangising sabi pa ni Minton sakin
“sorry dahil sakin aksidente mo tuloy nainom yung alak”
BINABASA MO ANG
Only Me and I (Editing)
Mystery / ThrillerKyra Celestine Nicolas is 18 years old teenager who got bullied at the young age of 9 years old. And being a victim of bullying cause mentally depression and a trauma to her. Because of this tragedy she never had a social life as a teenager. When sh...