Kabanata 37

108 3 0
                                    


-Kyra’s POV-

Naging mabilis ang panahon, halos ilang weeks lang kase Valentine's day na at bawat section ay dapat may kanya-kanya dapat booth. Dahil si Calvin ang class president namin, napag desisyonan ng buong klase na “Wedding booth” ang gagawin namin.

“Super excited na ko sa para Valentine's day bukas” ani Alice habang nag de-disign kami para sa booth bukas

“dahil sa wedding booth natin?”

“uhmmm. Oo pero hindi lang yun yung dahilan”

“ano pa?”

“ano ka ba!? Valentine's na bukas hindi ka ba excited para sa flowers, chocolate at teddy bear na pwde mong matanggap galing sa mga secret admier mo?”

“wag ka nang umasa na may secret admier tayo no?”

“hay naku! Basag trip ka naman!”

Ngumisi lang ako sakanya “sorry na!”

“Guys? Tapos na ba kayo?” ani Calvin

“Tapos na! Pwde na ba tayong umuwi?” naka salubong pa ang mga kilay na tanong ni Minton

*nakakapag taka lang kase pag katapos nang intrams namin kinausap ako ni Minton ang sabi nya okay lang daw kahit once a week ko na lang gisingin si Amara saka napansin ko din na medyo iwas na sya sakin simula non hindi ko alam kung bakit pero syempre sinunud ko pa din sya* Ilan minuto lang ay natapos na din kami sa pag aayos sa booth namin.

“Okay classmate pwde nang umuwi lahat!”

“yes!” sabay-sabay na sambit ng lahat dahil halos 6pm na din

“basta bukas 7am pa lang andito na lahat okay?”

“okay”

~Valentine's Day~

Maaga pa lang andito na kaming lahat sa gym para asikasuhin ang wedding booth namin. Kaming mga babae sa klase ang naka asign sa pag hahanap ng mga lalaking gustong ipahuli ang girlfriend o nililigawan nila, at bakit nila gugustuhing ipahuli at ipakulong sa booth namin ang girlfriend o nililigawan nila? Simple lang bago kase makalaya ang mga babaeng nahuli namin kelangan may groom na muna na tutubos sakanila sa halagang 500 pesos at pag natubos na sila ng groom to be nila kelangan nyang ikasal sa lalaking yon, kasama na din sa 500 pesos yung sing-sing na gagamitin nila at yung pictures na magiging souvenirs nilang dalawa. Pero syempre kasal-kasalan lang lahat nang yon. Sa tingin naman namin papatok naman to sa mga estudyante.

“oh. Classmate! Start na tayo huh?” ani Calvin

“okay!”

“Kyra kaya ni Alice ang mag kasamang mag hahanap ng huhuliin huh?”

“Sige!” sabay na sambit pa naman ni Alice

Nag ikot-ikot agad kami ni Alice para mag hanap ng mga babaeng mahuhuli habang may hawak-hawak pa kaming sign board na may naka lagay na “for wedding booth”

“tara nga dito kyra!” ani Alice habang naka hawak pa sya sa braso ko

“anong ginagawa mo?”

“ikaw na lang huhulihin ko” nakangising sabi pa nya

“ano!? Tumugil ka nga puro ka biro” naka ngising sabi din ako sakanya

“I'm not kidding okay? I'm just curious kung sino ba kay Calvin o Minton ang tutubos sayo para magiging groom to be mo kung sakaling ikulong kita sa booth natin. Hahaha”

Only Me and I (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon