Naging mabilis na naman ang pag lipas nang panahon halos 3 weeks na simula nung huli naming makita si Minton. *Hanggang ngayon na mimiss ko pa din sya, lagi kong naiisip kung bakit ko nga ba sya na mimiss? Dahil ba sa pagiging mapang-asar nya o dahil ba sa pagiging mayabang nya? Ewan ba basta ang alam ko na mimiss ko sya. Ako din kaya na mimiss din nya?*~Exam Done!~
“Sa wakas na tapos na din ang finals! Na-aamoy ko na talaga yung bakasyon!” ani Alice na sobrang excited habang palabas na kami ng classroom
“oo nga! Mainam pa mag celebrate tayo” ani Calvin
“sige tara!” masayang sabi ko naman
Habang nag lalakad kami palabas nang building namin ay nagulat na lang ako nang may dalawang lalaking humarang samin.
“Kyra?” tanong pa nang isang lalaki sakin
“uhmmm. Ako nga bakit?”
“anong kelangan nyo!?” agad na tanong naman ni Calvin sakanila
“eto. May nag papaabot sayo” sabi pa nang isang lalaki saka nito iniabot sakin ang isang box na may red ribbon pa sa gitna
“ka...nino galing yan?”
“sorry pero hindi namin pwde sabihin. Buksan mo na lang baka andun yung kasagutan”
Mabilis ko naman kinuha ang box sakanya “sa-salamat!”
“sige una na kami. Paalam pa nila saka sila tuluyang umalis”
“Sige”
“ano kaya yan?” naka kunot pa ang noo na tanong ni Alice
“oo nga ano kaya to?”
“buksan mo na!”
“sige ito bubuksan ko na” bubuksan ko na sana ang box na yon pero bigla na lang hinawakan ni Calvin ang kamay ko “oh. Bakit Calvin?”
“uhmmm. Ako nang mag bu-bukas, baka kase mamaya kung ano pa lang laman nyan” saka nya mabilis na kinuha sa kamay ko ang box na yon at dahan-dahn nya itong binuksan “sapatos?” bulong pa nya nang makita nya ang laman ng box na yon
*Sapatos?* nag mamadali kong binawi kay Calvin ang box na yon saka ko nakita ang isang maliit na sapatos na walang pares. *teka. Parang familiar sakin ang sapatos na to. Parang ito yung sapatos na nakita ko sa kwarto ni Minton!*
“tignan mo Kyra. May letter sa box!” ani Alice nang mapansin nya ang isang papel sa ilalim nang sapatos kaya mabilis ko itong kinuha “basahin mo na agad Kyra baka dyan natin malaman kung san galing ang box na to”
“sige babasahin ko na” saka ko mabilis na binuksan ang letter saka ko ito binasa
“I'm not sure kung natatandaan mo pa ang sapatos na yan, pero ang sapatos na yan ay sapatos mo Kyra. 9 years ago nang may nakita akong isang batang umiiyak sa classroom nila, mag-isa lang sya kaya nilapitan ko sya at nakita ko na isang sapatos lang ang suot nya kaya tapos don ko na narealize na sya pala yung batang lagi namin binubully. At that moment sobra akong nakaramdam na guilt kaya pinilit kong hanapin ang sapatos nya sa gym kung san ko yon tinapon, nang makita ko ang sapatos nya nag madali akong bumalik sa classroom nila para maibalik yon pero hindi ko na sya naabutan simula din non hindi ko na sya nakita kaya tinago kong mabuti ang sapatos na yan kase pinangako ko sa sarili ko na kahit anong manyare isosoli ko sakanya ang sapatos at hihingi ako nag tawad sa lahat nang nagawa ko sakanya kaya Kyra I'm sorry. Sorry sa pambubully ko sayo noon, sorry kung dahil sakin nag kasakit ka, sorry kung dahil sa pag lapit ko laging tumataas ang presyon mo, sorry kung naging sobrang selfish ko sayo para sa sariling kasiyahan ko hinayaan kong isakripisyo mo ang sariling oras at katawan mo para lang makasama ko si Amara, nakalimutan ko na ako nga pala tong may malaking atraso sayo at kelangan bumawi. Sorry kung nagawa kong ireject ka nung nag confess ka sakin at sorry kung pinilit kitang layuan ako. Ang totoo nyan sobrang sakit para sakin ang gawin yon kaso yun lang kase ang naisip kong paraan para bumawi sayo, kaya kahit mahirap para sakin ang malayo sayo sinakripisyo ko kase ayokong tumaas na naman ang percentage rate mo dahil sakin, ayokong mawala na naman ang identity mo at magising na naman ang identity nang iba nang dahil lang sakin kase mahal kita Kyra. Naka-katawa lang kase hanggang ngayon tinatanong ko pa din yung sarili ko kung bakit ba talaga kita nagustuhan? At kung ano bang nakita ko sayo para gustuhin kita? Pero walang sagot eh. Ganon siguro talaga kapag mahal mo walang kahit walang pero, basta habang tumatagal na nakakasama ko si Amara mas hinahanap-hanap ko na ang weirdo at boring na si Kyra siguro nga gusto na kita simula pa lang na mapunta sakin yung sapatos mo na yan. Ginawa ko pala tong sulat na to para mag paalam sayo, ngayon na ang flight ko papuntang Canada, pupuntahan ko si Mama don. Sana ingatan mo yung sarili mo. Sayang lang at hindi tayo nag karoon nang oras na tayong dalawa lang. Mahal kita Kyra, sorry kung hindi ko yon na sabi sayo nang harapan pero sana tandahan mo na mahal na mahal kita kahit weirdo ka pa.”
- Minton
Tuloy-tuloy naman ang naging pag buhos ng mga luha ko simula nung basahin ko ang sulat nya at hanggang sa matapos ko din to. *kung ganon 9 years nyang tinago ang sapatos na’to para sakin. Inamin dinnnya na mahal nya ko pero hindi ko alam kung dapat ba kong matuwa o malungkot ngayon na aalis na sya*
“naiiyak din ako sa story nyo, mahal ka din pala nya kaso kelangan lang nyang mag sakripisyo para sayo” maluha-luha na sabi pa ni Alice
“Kyra ayos ka lang ba?” - Calvin
“o-oo. Ayos lang ako”
“gusto ko ba syang sundan?”
Mabilis akong napatingin kay Calvin dahil sa sinabi nyang yon “huh? Pe...ro.. Pano?”
“hahabulin natin sya. Tara!” pag kasabing yon ni Calvin ay nag madali kaming tatlo sa pag takbo palabas ng school*Minton magaling na ko. Hindi mo na ko kelangan iwasan, pwde na tayong mag karoon nang oras na tayong dalawa lang. Kaya please wag ka munang aalis* Ilan minuto pa ay nakarating na kami sa isang malaking bahay na hindi ko alam kung kanino bang bahay.
“andito na tayo” - Calvin
“bakit tayo andito? Kaninong bahay to?”
“bahay to nang papa ni Minton” saka sya nag mamadaling nag doorbell
“sino po sila?” ani nang isang may edad nang babae
“pinsan po ako ni Minton andito po ba sya?”
“ay. Ganon ba ser? Wala na po sila ser nakaalis na. Inihatid po sya nang papa at kapatid nya sa airport”
*para akong pinag sakluban ng langit at lupa sa mga narinig ko. Nakaalis na sya, wala nang pag-asa*
“ganon po ba? Sige salamat na lang po”
“walang ano man” ani manang saka sya ulit pumasok sa loob ng bahay
“ano tara? Habuling natin sila?” - Calvin na tila mag tatangka na sanang mag lakad pero mabilis ko naman syang hinawakan sa kamay para pinigilan
“wag na Calvin, Imposible na din mahabol natin sila. Umuwi na lang tayo” saka ako dahan-dahan na nag lakad
“pero Kyra” - Alice
“ayos ka lang ba Kyra?” tanong naman sakin ni Calvin habang nakahinto pa silang dalawa ni Alice
“ayos lang” mahinang sagot ko naman sakanila saka ako nag patuloy sa pag lalakad kasabay ng muling pag kawala ng mga luha ko *bakit ba sobrang kontra nang buong universe sa kasiyahan ko? Naging masamang tao ba ko kaya wala akong karapatan maging masaya!?*
~House~
Nang makarating na ko sa bahay namin ay agad akong dumiretso sa kwarto ko para mahiga, saka ko kinuha ang sulat na binigay nya sakin at muli ko itong binasa. Ilang saglit pa ay hindi ko na namalayan ang muling pag buhos ng ang mga luha ko. Para akong batang umiiyak habang yakap-yakap ko pa ang letter na yon ni Minton. *Minton!!!! namimiss na kita! Miss na miss na kita! Miss na kita Minton!* paulit-ulit na sabi ko pa sa sarili, habang para akong batang umiiyak.
~
BINABASA MO ANG
Only Me and I (Editing)
Mystery / ThrillerKyra Celestine Nicolas is 18 years old teenager who got bullied at the young age of 9 years old. And being a victim of bullying cause mentally depression and a trauma to her. Because of this tragedy she never had a social life as a teenager. When sh...