Kabanata 30

108 3 0
                                    


-Minton’s POV-

Nang maisuot na namin ni Amara ang helmet namin ay sumakay na din kami agad sa motor naka yakap pa sya sakin habang nag dadrive ako. *Ang sarap talaga sa feeling na nasa tabi ko sya, sana ganito na lang kami lagi* Ilan minuto pa ay nakarating na din kami sa bahay at mabilis ko syang dinala sa garden namin kung saan may naka handa nang dinner.

“wow! Ang ganda dito at ang daming pag kain” nakangiting sabi ni Amara habang titig na titig sya sa pag kain

Mabilis ko naman syang pinaupo sa isang upuan saka ako naupo sa tapat nya “nagustuhan mo ba?”

“oo. Sobra!”

“sige na kumain na tayo”

“teka. Nasan si Calvin?”

“si Calvin? Ma-malamang nasa kawarto nya lang yon at nag babasa ng libro”

“eh. Yung mama at lola mo?”

“nasa party si lola ngayon si mama naman nasa Canada na”

“Canada?”

“oo. Last week pa sya nag punta don kasama nung boyfriend nya”

“ah. Ganon ba?”

“tara kain na tayo”

“sige. Gutom na nga ako eh!”

saka kami nag simula sa pag kain at habang kumakain kami ay masaya din kaming nag ku-kwentuhan.

“wala ka bang kapatid?” tanong pa nya sakin habang kumakain kami

“meron si Kris. Diba na kwen----” napahinto akong bigla sa pag sasalita nag biglang may pumasok sa isip ko *teka. Hindi nya alam yung tungkol sa kapatid ko? So ibig...sabihin ba nito si Kyra yung kausap ko nung about sa kapatid at papa ko? sya din yung nag bigay ng advice sakin at hindi si Amara?*

“bakit? May problema ba?” nakakunot ang noo na tanong nya sakin

“uhmmm. Wala! Hindi ko pa nga pala na kukwento sayo yung about sa kapatid ko”

“oo. Ngayon ko nga lang nalaman na may kapatid ka”

“mu-muka nga”

“so asan sya?”

“kasama nya sa bahay ang papa ko”

“huh? Bakit?”

“uhmmm. Wag na lang natin natin pag usapan?” saka ako ngumiti sakanya

“uhmmm. Okay!”

Nakatingin lang ako sakanya habang kumakain sya. *bakit ganon? Bakit parang hindi ko kayang mag open kay Amara about sa family ko? Pe-pero kay Kyra mabilis ko naman nai-open ang lahat nang yon? Ano bang nanyayare sakin!?*

“ang lalim yata ng iniisip mo?”

“huh? Wa-wala to!”

Ilan saglit pa ay natapos na din kami sa pag kain kaya mabilis akong tumayo para ayain sya na sumayaw.

“dance with me” aya ko pa sakanya sabay abot ko pa ng kamay ko sakanya

“okay. Payag ako” nakangiting sabi pa nya saka din nya iniabot ang kamay nya sakin

Dinala ko sya sa tabi nang pool para dito sumayaw. *ang saya ko kase kasama ko ulit si Amara at kasayaw ko pa sya ngayon*

“sobrang saya ko kase andito ka ngayon sa tabi ko”

Only Me and I (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon