Kabanata 23

113 3 0
                                    


-Kyra’s POV-

Malaki na talaga yung pinag bago ni Minton simula kase nung huling beses kaming mag kausap, simula nung araw na yon hindi na nya kami nagawang kausapin kahit si Calvin na kasama nya sa bahay. Umaasta sya lagi na parang hindi nya kami kilala, may mga bagong barkada na din syang lagi nyang kasama at paiba-iba na din yung mga babaeng ka-date nya. Minsan tuloy tinatanong ko yung sarili ko kung ako ba yung may kasalanan sa lahat ng pag babago sakanya.

tignan nyo si Minton, ibang babae na naman yung kasama nya, diba last last week nursing yung kasama nya, tapos sumunod na araw educ, tapos last week business ad. tapos nung isang araw engineering naman, tapos ngayon agriculture naman, iniisa isa yata nya lahat ng course eh!” inis na sabi ni Alice nang makita nya si Minton na may kasamang babae na nakaupo malapit sa table na pwesto naman namin habang kumakain kami ng lunch dito sa canteen

“wag mo na lang syang pansinin” ani Calvin

“nakakairita lang kaseng makita! Tapos kung umasta sya parang hindi nya tayo kilala!”

“topakin lang talaga yang pinsan ko”

“hay naku! Ang sabihin mo bitter lang sya kase iniwan sya ni Kyra!”

“Alice!” mahinang pag suway ko naman sa sakanya

Saka ako pasimpleng tumingin kay Minton at sa babaeng kasama nya, ang sweet nilang dalawa para silang mag on dahil sa mga kinikilos nila. Kahit ako sobrang na ninibago kay Minton, nasanay na yata ako sa kabang nararamdaman ako pag nasa tabi ko sya.

-Minton’s POV-

Pasimple akong tumigin sa table nila Kyra, mabilis syang umiwas ng tingin ng tumingin ako sakanya. Napaka sweet ni Calvin sakanya, ito pa kase yung nag tatanggal ng mga balat ng hipon na ulam ni Kyra. Siguro nga tama si Kris na dapat maging masaya na lang ako para kay Kyra at sa pinsan ko, kaso yung pag layo ko lang kase sakanila yung nakikita kong paraan para mas maka move on ako.

“Minton?” natigil ang pag iisip ko nang biglang mag salita si Jessa na kasabay kong nag lulunch

“huh?” saka ako mabilis na bumaling ng tingin sakanya

“ayos ka lang ba? Parang ang lalim ng iniisip mo”

“ah. Wa-wala! Wag mo nang intindihin

“kelan ulit tayo lalabas?”

“uhmmm. Hindi ko pa alam baka next week pag may free time na ko”

“uhmmm. Okay!” saka sya ngumiti sakin

Ilan minuto pa ay natapos na din sila Kyra sa pag kain saka sila umalis, at ilan saglit lang din ay natapos na din kami ni Jessa kaya nag desisyon na din kami na bumalik sa building namin, mag katabi lang kase yung classroom naming dalawa.

“sige pasok na ko” nakangiting sabi ni Jessa sakin nang makarating na kami sa tapat ng classroom nila

“sige. Papasok na din ako sa room namin”

“okay”

Pag hakbang ko pa lang ay agad nang bumungad sakin si Kyra na nakatayo sa tapat ng classroom namin, seryoso ang mukha nya na nakatingin samin kaso mabilis din nyang iniwas ang mga tingin nya nang mapatingin din ako sakanya. Ilan saglit pa ay lumabas na din si Calvin ng classroom saka ito lumapit kay Kyra.

“tara na ky---” napa hintong bigla si Calvin sa pag sasalita ng makita nya kong nakatingin sakanila

“ta-tara na” aya naman ni Kyra sakanya at ang mas kinagulat ko pa ay ng mabilis na hinawakan ni Calvin ang kamay ni Kyra saka sila sabay na nag lakad palayo

Nangiti na lang ako sa sarili ko, *bakit ganon? Kahit sobrang dami ko nang nakikilalang babae naaapektuhan pa din ako pag dating kay Kyra* Ilan saglit pa ay nakabalik na sila Kyra sa classroom, nakaupo ako sa unahan habang sila naman ay naupo sa dulong upuan tulad ng dati.

“okay class. Ngayon pupunta kayong lahat ng first year sa gym”

*Ano na naman kayang gagawin sa gym na yon!?*

Nang makarating na kami sa gym ay naabutan namin na tila inaayos pa lang ang mga upuan dito kaya tumayo lang muna kaming lahat sa dulo ng gym kasama nang iba pang mga sections. Ilan saglit pa habang nakatayo kami ng mga bagong barkada ko sa hindi kalayuan kela Kyra ay nakarinig ako nang bulungan mula sa mga lalaking nakatayo naman sa tabi namin.

“pre. Tignan nyo ang ganda nung babae oh”

“asan?”

“yung kasama ni Calvin Barcelo”

“ah. Yun ba? Kyra Nicolas ang pangalan nya, maganda nga sya kahit walang kaayos-ayos, pero kung ako sayo wag ka nang umasa dyan!”

“at bakit naman!?”

“yung mga ganyan klase ng babae yan yung mahirap makuha”

“sa gwapo kong to kahit sinong pakipot na babae bibigay sakin. Saka sigurado ko yung Kyra na yan nasa loob din yung kulo nyan!” sabay ngisi pa nito

Halos mag pantig ang mga tenga ko dahil sa mga sinabi ng lalaking yon kaya nag mamadali ko syang nilapitan saka ko sya hinawakan sa kwelyo nya at binigyan ko sya ng isang sundok na naging dahilan para matumba sya. Nagulat naman ang lahat ng nakakita sa ginawa kong yon.

“ano bang problema mo!?” bulyaw ng lalaki sakin habang naka upo sya sa sahig

“nag tatanong ko pa!?” saka ko ulit sya sinugod at hinawakan sa kwelyo nya saka ko sya itinayo

“tama na Minton” awat naman sakin ng isa kong barkada

“bitawan nyo ko!?” galit na sabi ko sa kanila habang hawak nila ang dalawang braso ko

“ano bang problema mo!?” galit na sabi ulit ng lalaking sinuntok ko

“sa susunod na may marinig na naman akong kabastusan dyan sa bibig mo di lang yan ang aabu----” naputol ang sasabihin ko pa sana nang biglang bumungad si Calvin sa pagitan naming dalawa nung lalaki

“Minton!? Ano bang gulo to?”

“sya naman tong----” naputol ulit ang sasabihin ko nang mag salita ulit sya

“apo ka ng vice president ng university na to kaya wag kang gumawa ng ikakasira ni lola!”

Mabilis akong kumawala sa pag kakahawak ng mga barkada ko “wala ka naman alam sa nanyare kaya wala kang karapatan mag salita sakin!”

“nakakatanda mo kong pinsan kaya respetuhin mo ko!”

“anong alam mo tungkol sa respeto?!”

“hanggang ngayon pala hindi ka pa din marunong umintindi!”

“anong sabi mo!?” saka ko sya mabilis na hinawakan sa kwelyo nya

“tama na yan!” ani Kyra na nakatayo sa bandang kanan namin, kaya mabilis kaming napatingin sakanya

“nasayo na lahat pero pati yung isang bagay na dapat sakin inagaw mo pa!” sabi ko pa kay Calvin habang nakatitig naman ako kay Kyra

“Minton!?” - Calvin

“matagal mo nang tinapos ang pagiging mag pinsan natin kaya wag mo na kong pakikialaman ulit!” mabilis kong binitawan ang kwelyo nya saka ako nag lakad paalis ng gym

Simula pag kabata mag kasama na kami ni Calvin, pero ito na yata ang unang beses na nag away kami ng ganito.
~

Only Me and I (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon