Kabanata 33

90 3 0
                                    


-Grandstand-

4:30 pm pa lang ng makarating kami ni Minton sa grandstand pero sobrang dami ng tao dito halatang madami din excited na makinig sa mga banda.

“ano ba yan ang dami na agad tao! San tayo pu-pwesto ngayon?” inis na sabi pa ni Minton habang nakatayo kami sa gilid ng granstand

“Uhmmm. Dito na lang kaya tayo?” sabi ko pa sakanya habang nakatayo kami sa baba ng grandstand

“huh? Hindi pwde no! Mangangawit lang tayo dito at saka mas maganda kung nakaupo din tayo sa bleachers para naka harap tayo sa stage na pag tutugtugan ng banda”

“eh. Pano nga tayo mauupo? Ang daming tao?”

“akong bahala! Sisingit tayo” pag kasabi nyang yon ay mabilis nyang hinawakan ang kamay ko pero nang hahakbang na sana sya ay bigla na lang syang napahinto ng tila may maalala sya saka sya dahan-dahan tumingin sakin kasabay ng pag bitaw nya sa kamay ko “so-sorry! Nakalimutan ko na hindi nga pala kita pwdeng hawakan, baka tumaas na naman yung presyon mo”

Dahil don ay pakiramdam ko tuloy ay nag blush bigla ang mga pisngi ko “a-ayos lang. Wag ka nang mag sorry”

“mabuti pa dito ka na lang humawak sa bag ko” sabay turo pa sya sa back pack na suot nya

“sa bag mo?”

“oo. Sisingit kase tayo sa grandstand baka mag kahiwalay tayo pag hindi ka humawak”

*baka mag kahiwalay kami? Hay naku kyra kung ano-ano na naman iniisip mo! Relax lang okay!? Wag mo ngang bigyan ng meaning yung mga sinasabi nya! Kalma lang para matapos mo ng maayos ang program na to! Okay?*

“ano? Tara na?” dagdag pa nya

Wala na kong nagawa kaya humawak na lang ako sa bag nya “sige”

Pag akyat pa lang namin sa unang bleachers ay nakaw pansin na agad kami sa mga taong nakaupo dito. Siguro napapaisip sila kung sino ba yung babaeng kasama ng apo ng vice president ng university na’to. Puro negative na lang yung naririnig ko sa mga bulungan nila kaya mas lalo tuloy akong nahiya.

“excuse me miss?” aniya sa isnag babaeng nakaupo sa bandang gitna ng bleachers

“uhmmm. Ye-yes?” nakangiti na sabi pa ng babae na nilapitan ni Minton

“pwede ba kaming tumabi dito?”

“huh? Uhmmm. Sure!” mabilis na sagot naman ng kasama ng babae

“Salamat!”

“welcome”

“Kyra dito na tayo maupo”

“ah. Sige”

Ilan minuto na lang at mag sisimula na ang pag tugtog ng banda, excited na ko feeling ko nasa isang concert kami.

“Kyra?”

“bakit?”

“dito ka lang huh? Babalik din ako bago mag simula yung banda”

“Huh? San ka pupunta?”

“May bibilin lang ako”

“ayokong maiwan dito”

“saglit lang naman ako. Baka kase mawalan pa tayo ng upuan kapag sumama ka”

“uhmmm. Sabagay, sige dito lang ako”

Only Me and I (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon