Kabanata 41

138 3 0
                                    


Habang papalapit ako sa classroom namin mas lumalakas pa ang pag kabog nang dibdib ko, sobrang kinakabahan ako hindi ko alam kung pano ko haharap kay Minton. Nang makarating na ko sa classroom namin ay huminga muna ko nang malalim bago ako tuluyang pumasok sa loob.

“Kyra!” bungad agad sakin ni Alice na nakaupo sa dulong upuan katabi nya si Calvin

binigyan ko naman sila nang matipid na ngiti saka ako naupo sa tabi ni Alice “Go-Goodmorning!”

“mabuti naman at pumasok ka na” ani Calvin

“oo. Ilan araw na din kase kong absent”

“sorry pala about last time”

“wala na yon. Sorry din”

“ayun! Okay na sila!” naka todo ngiti pa na sabi ni Alice

Bahagya naman akong luminga-linga para hanapin si Minton. *nasan na kaya si Minton?* tanong ko pa sa sarili ko.

“si Minton ba yung hinahanap mo?” ani Calvin, siguro ay napansin nya ang pag linga-linga ko na tila may tao akong hinahanap

“huh? Wa-wala!”

“teka. Nasan nga ba sya?”

“actually hindi na sya makakapasok”

“huh? Bakit?” sabay na sambit pa namin ni Alice

“kagabi kase kinausap nya si lola, ang alam ko nakiusap sya kay lola na don na muna sya titira sa papa nya saka nakiusap din sya na kung pwde hindi na sya papasok at bigyan na lang sya nang special exam”

“special exam?” - Alice

“oo. Pumayag naman si lola dahil tapos na din naman nya lahat ng requirements natin besides waiting na lang din naman tayo para sa exam”

“sa tingin ko ginawa lang nya yon para iwasan ako” naka yukong sabi ko pa sakanila

“huh? Anong ibig mong sabihin?” - Alice

“kahapon kase naka-sabay ko sa bus. Tapos nag usap kami”

“o tapos?”

“ta....pos... Uhmmm. Inamin ko sakanya yung feelings ko”

“what!?” sabay na sambit pa nilang dalawa

“so tama talaga kami ni Alice? May feelings ka talaga para kay Minton?”

“oo. Tama nga kayo, pero late ko na din na realize yon na habang tumatagal pala yung kabang nararamdaman ko para kay Minton ay hindi na pala dahil sa truama ang kaba pala na yon ay dahil gusto ko na sya”

“wow! Napaka romantic naman non. So anong sagot nya sa confession mo?” ani Alice na kinikilig pa

“pero tama ka din Calvin sa sinabi mo”

“huh? Anong ibig mong sabihin?” - Calvin

“imposible nga siguro talaga para saming dalawa na mag sama. Pag kasama ko sya tataas yung presyon ko, pag kasama naman nya ko mag kikita na naman sila ni Amara at yun ang ayaw nya kaya sabi nya layuan ko na sya”

“sinabi nya yon?” - Alice

“oo. Siguro yon ang dahilan kung bakit ayaw na nyang pumasok dahil ayaw na nya kong makita” malungkot na sabi ko kasabay pa nang muling pag patak ng mga luha ko

“ayos ka lang?” agad na tanong naman ni Calvin sakin

“Hindi ko alam eh. Sana hindi ko na lang sya nagustuhan para hindi na ko nahihirapan” saka ulit muling tumulo ang mga luha ko kasabay nang pag tunog nang relos ko

Only Me and I (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon