“tignan mo, mag sisimula na pala yung fireworks!” nakangiting sabi ko pa sakanya habang naka turo pa ko sa oval kung san inaayos ang mga fireworks“oo nga!”
“tara. Bumaba tayo para mas makita natin”
“sige!”
Halos nag bababaan na din lahat ng nasa bleachers para mas makita nila ang fireworks. Halata sa mukha ni Kyra na sobrang excited na sya. Ilan minuto lang ay nag simula na din ang fireworks display.
-Kyra’s POV-
Nag simula na ang fireworks display. Mag katabi kaming nakatayo ni Minton malapit sa oval kasama ng iba pang nanunuod sa mga fireworks. Napaka daming fireworks dito, iba-iba ang mga kulay at design sobrang ganda!
“wow! Ang ganda” naka-ngiting sabi ko pa sa sarili ko
“ang ganda nga” pag kasabi nyang yon ay agad akong napalingon kay Minton seryoso ang mukha nya na nakatingin sakin kaya mabilis din ibinaling ulit ang tingin ko sa fireworks display
*bakit ba sakin sya nakatingin? Na o-awkward tuloy ako, Kyra re----* napahinto akong bigla sa pag iisip kong yon ng bigla na lang isuot ni Minton sa balikat ko ang varsity jacket nya.
Mabilis ko ulit syang nilingon habang inaayos pa nya ang jacket “a-ano to?”
“gabi na, medyo maginaw na din kaya hiramin mo muna yang jacket ko”
“uhmmm. Sa-salamat!”
Halos 10 mins lang ang tinagal ng fireworks display na yon kaya pag katapos non nag uwian na din yung mga nanunuod.
“ang bilis matapos”
“oo nga eh. Sa susunod sasabihin ko kay lola na patagalin nya hanggang 30mins” nakangising sabi pa nya sakin
Napangiti naman akong bigla sa sinabi nyang yon “baka magalit yung lola mo non”
“oo nga. Sigurado yon. Hahaha”
“tara nang umuwi, nag uuwian na din sila oh”
“oo nga. Tara! Kumapit ka ulit dito sa bag ko para hindi ka mawala”
“sige” saka ako kumapit sa bag nya tulad nga ng sabi nya
~House~
“Salamat sa pag hatid, saka sa pag sama sakin”
“wala yon. Nag enjoy din naman ako eh. Uhmmm sige na pamasok ka na sa loob”
“sige. Ingat ka”
“okay. Bye!” pag kasabi nyang yon ay tuluyan na nga syang umalis kaya pumasok na din ako sa loob ng bahay namin
Mabilis akong umayat sa hagdan at nag tungo sa kwarto ko para mahiga sa kama. *Sobrang nag enjoy ako kanina, ang akala ko talaga dahil kasama ko si Minton tataas na naman yung percentage rate ko pero hindi pala, siguro dahil sa sobrang enjoy at saya ko kanina na kontra non yung kaba ko* napahinto akong bigla sa pag iisip ng biglang mag ring ang cellphone ko.
~Kriiiing!~
“Tumatawag si Alice? Bakit kaya?” mabilis ko naman sinagot ang tawag nyang yon “hello! Alice?”
“hello! Kyra!”
“Napatawag ka?”
“Kakamustahin ko lang sana yung panonood yung tatlo kanina? Sayang talaga hindi ako nakasama”
BINABASA MO ANG
Only Me and I (Editing)
Mystery / ThrillerKyra Celestine Nicolas is 18 years old teenager who got bullied at the young age of 9 years old. And being a victim of bullying cause mentally depression and a trauma to her. Because of this tragedy she never had a social life as a teenager. When sh...