Kabanata 4

204 6 0
                                    


-Minton’s POV-

Maya-maya pa ay nakabalik na din si Calvin at naupo sya sa tabi ko habang ganado pa ko sa pag kain.

“nakasakay na sya?” nag aalalang tanong pa ni Alice

“oo. Sumakay na sya ng bus” sagot naman ni Calvin sakanya

“mabuti naman at nagagawa nyong pakisamahan ang weirdong kyra na yon?” nakangisi na sabi ko kay Calvin na pinsan ko at kay Alice na naging kaklase ko nung highschool

“wag ka ngang ganyan mag salita! Para sabihin ko sayo mahirap ang mga pinag daanan ni Kyra kaya siguro sya naging ganon” inis na bulyaw pa sakin ni Alice

“sus! Mahirap na pinag daanan pa daw”

“totoo naman kase yung sinasabi ko!”

“9 years ago simula nung nag kasakit si Kyra simula non nag home schooling na lang sya kaya hindi sya ganong sanay makisalamuha sa iba hindi din sya sanay na mag karoon ng mga kaibigan” dagdag pa ni Calvin sakin habang dahan-dahan pa sya sa pag nguya ng pag kain

“ano naman sakit nya? Cancer, sakit sa puso o baka naman UTI lang yung sakit nya? Hahaha!”

Mabilis naman akong binatukan ni Alice “siraulo ka talaga!”

“hindi nya sinabi samin kung ano ba talaga ang sakit nya” - Calvin

“ah. Kaya pala naaawa kayo sakanya at nilalapitan nyo sya?”

“hindi awa ang dahilan ng pag lapit ko sakanya?”

“kung hindi awa e’ano? Teka! Don't tell me insan na may gusto ka sa weirdong babae na yon!?” naka kunot pa ang noo na sabi ko sakanya habang naka duro pa sakanya ang daliri ko

“tigilan mo nga ang pag tawag nang weirdo kay Kyra!?” bulyaw ulit sakin ni Alice sakin

“okay! Tatahimik na!”

“kaibigan namin si Kyra kaya kami ganito sakanya” - Calvin

“pero napaka boring nyang babae! Ni hindi man lang sya tumatawa o ngumingiti man lang, tapos napaka bihira pa nyang mag salita. Nasa college na sya pero yung ugali nya tulad pa din nung elementary!”

(FLASH BACK)
~9 years ago~

“mamita 4pm na po bakit wala pa si Calvin?”

“oo nga no? baka cleaners lang yon kaya wala pa dito”

“sige mamita pupuntahan ko na lang po sya ngayon sa classroom nila”

“sige. Bumalik ka kaagad”

“opo”

Habang nag lalakad ako papunta sa classroom nila Calvin ay bigla na lang akong nakarinig ng boses ng isang batang umiiyak. ~huhuhu~ *teka!? Ano yon!? multo yata yon!?* halos manginig ang tuhod ko sa takot at patakbo na sana ako nang makita ko ang isang batang babae na mag isa sa isang classroom habang nakadudok sya sa isang charm chair na nasa harapan at umiiyak. *sya pala yung naririnig kong umiiyak* dahan-dahan ko naman syang nilapitan.

“Hoy bata! Bakit andito ka pa uwian na!” pag tataboy ko pa sakanya

Hindi naman nya ko pinansin at nag patuloy lang sya sa pag iyak. Saka ko sya dahan-dahan tinignan mula ulo hanggang paa at napansin ko na isang sapatos lang ang suot nya *teka! Wala yung isang sapatos nya? Uhmmm. Si weirdong Kyra ba to?* hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nakaramdam ng konsensya at awa sakanya nang malaman ko na sya pala yung batang pinag tripan kong itapon ang sapatos sa gymnasium.

Only Me and I (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon