“Goodmorning mi, Goodmorning di.” nakangiting bati ko sakanila saka ko sila binigyan ng yakap“mukang maganda ang gising ng anak ko huh?” - Daddy
“uhmmm. Medyo lang po”
“Maupo ka na at kumain” ani mommy habang nag sasaktok pa sya ng sinangag na paborito ko
“wow! Sarap naman po nyan. okay po kakain ako ng madami”
“anak may naging kaibigan ka na ba sa mga kaklase mo?”
“po? Uhmmm. Meron naman na po”
“really? That's Good!”
“siguro naman ngayon mas gu-gustuhin mo nang pumasok sa school diba?”
“yes di”
“mabuti kung ganon”
“uhmmm. May gusto po sana akong sabihin sainyo”
“ano yun anak?”
Lumunok muna ko bago ko mag salita “kahapon po kase umabot sa 73% ang pag taas ng presyon ko pero nung bigla po nya kong niyakap bigla na lang po akong kumalma at mabilis na bumalik sa normal rate ang presyon ko. Bakit po kaya ganon?”
“talaga? Kung ganon mainam pala na kasama mo sya lagi para mapakalma ka nya” - mommy
“yun nga din po yung naisip ko eh”
“mabuti pa ipakilala mo samin kung sinong dalagita ba yang kaibigan mo” - daddy
“oo nga at nang maipag luto ko sya nag masarap na pag kain” dagdag pa ni Mommy na halatang proud lagi sa mga niluluto nya
“ah---eh--- kase po ang totoo nyan----”
“ano yon anak?”
“uhmmm. Ka---kase po. Isa po syang lalaki”
“Ano!? Lalaki?” sabay na sambit pa nila
“pero sabi mo niyakap ka nya!?” galit ang boses na sabi nya
“uhmmm. Teka pa. Mag papaliwanag po ako.. Ang totoo po kase nyan napansin nya na namumutla ako kaya nya ginawa yon”
“baka naman may gusto sayo yung lalaking yon!?”
“naku! Di. Wala po! Walang ganon”
“eh. Ikaw anak baka gusto mo na sya?” - mommy
“po? Uhmmm. Hi---hindi po!”
“mabuti nang sigurado baka mamaya pag nainlove ka dyan lalo mong hindi makontrol ang sarili mo”
“alam ko naman po yon” nakayukong sabi ko pa sakanila
“osya! Taposin nyo na ang pag kain ng maihatid ka na ng daddy mo sa school”
“opo”
Nang matapos na kami sa pag kain ay inihatid na nga ako ni daddy sa school, syempre bago ako makababa sa kotse katakot-takot muna na paalala ang natanggap ko kay daddy.
“bye di” saka ako nag beso sakanila
“ingat ka anak. Yung mga sinabi namin ng mommy mo wag mong kakalimutan huh?”
“yes po. Ingat po kayo”
Nang pag dating ko sa classroom namin ay mabilis kong hinanap si Calvin pero wala pa sya kaya naupo akong mag isa sa upuan na nasa dulo saka ako dumukdok sa arm chair *Bakit kaya wala pa sya?* maya-maya pa ay may naramdaman akong may umupo sa tabi ko kaya mabilis kong iniangat ang ulo ko para tignan kung si Calvin na ba yon.
BINABASA MO ANG
Only Me and I (Editing)
Mystery / ThrillerKyra Celestine Nicolas is 18 years old teenager who got bullied at the young age of 9 years old. And being a victim of bullying cause mentally depression and a trauma to her. Because of this tragedy she never had a social life as a teenager. When sh...