CHAPTER SIX
Cheers for HimHindi nagpakita sa amin ni Ran si Yasmine buong araw hanggang sa mag-uwian na. Mas apektado pa yata siya kaysa sa akin, e. Siguro she just loves me too much kaya siya nagkakaganyan. Well I love her, too, kaya ko rin nagawang pagtakpan ang sarili ko na ayoko sa ginagawa niyang blind dates para sa akin. I don't want her to get offended.
"Hihintayin pa ba natin si Yas, Ran?" tanong ko.
Magkasama kami ngayon sa hallway, nagaabang kung sakaling daraan man dito si Yas.
"I need to. Gusto mo ihatid na lang muna kita?"
Umiling ako, "Magko-commute na lang ako." I sighed, "I still don't know, Ran, galit kaya sa akin si Yas?"
Tinignan niya ako, "Bakit ka naman niya kakagalitan? She knows better, Natalie."
"Kasi hindi... I was... agh! Hindi ko rin alam!" inayos ko na ang mga gamit ko at tumayo, "I'll go now. Text me later kung ano may balita kay Yas."
Tumango siya, "I will. Ingat ka. Tatange-tange ka pa naman."
Nagcommute lang ako pauwi galing school since si Ran lang naman ang marunong sa aming mag-drive. Balak ko rin this summer na mag-driving lesson, I'm not getting any younger. I need to drive and try not to depend on others to drive me everywhere.
Naabutan ko si kuya Drian sa bahay. He's my cousin, and I think he is hilariously frustrated at the moment.
"Bakit nandito ka? Asan si ate Jesca?" tanong ko at mukha naman siyang naasar.
Nakaupo siya sa couch namin kalapit ang kaibigan niyang si Sien at si kuya Paolo na pinsan din namin. Ano naman kaya't dito sila napatambay?
"Sinong Jesca? I don't think I know someone with that name." iritadong sagot ni kuya Drian.
"Kahit kailan talaga ang bitter mo!" pagtawa ko sa kanya.
Tinawanan lang din naman siya ni Sien at ni kuya Pao na nanood pa rin ng TV. Inilapag ko muna ang bag ko sa upuan at umupo sa lapit nila.
"Kamusta na, Natalie?" tanong ni Sien, "May boyfriend na ba?"
Sumingit si kuya Pao sa tanong ni Sien, "Yeah right, Natalie? Sa obsession pa lang ni Tita at ni Yasmine siguradong meron na 'yan?" natatawa niyang sabi.
Inirapan ko siya, "Wala pa. Sumuko na si Yas dahil hindi naman talaga ako interesadong magka-boyfriend."
For the first time today ay tumawa si kuya Drian, "Hindi raw interesado? Eh ano 'yong nakita ko kahapon na kasama mo yung si Ryan ba 'yon?"
It's Brian, kuya!
"W-Wala, ha! I was with Ran and Yas the whole day."
BINABASA MO ANG
The Exes Club (Chase Series #1)
RomanceI said Brian was my boyfriend just so my friend and half of my family would leave me alone from finding my own perfect guy. Naging boyfriend ko si Brian nang hindi niya alam. He's my instant boyfriend. More like, emergency boyfriend. Nagbreak "kuno"...