Chapter Forty-Five

3.2K 113 7
                                    

Chapter Forty-Five

Right At the Tip

Paulit ulit kong binasa ang text message. Babasahin ko na ito ng nth time nang mag-snap ang finger ni Jairus sa harap ko. Doon ako natinag. Nakita ko ang malapad niyang ngiti.

"Na-wrong sent ba 'to?" Hindi ako makapaniwala. "Di ko na-gets."

Mas lalong natawa si Jairus, "Ask him."

"Ayoko! Ikaw na lang. Text him back. Please?"

Dinala ako ni Jairus sa bakanteng table. Kabado akong umupo at patuloy na sinusulyapan ang screen ng phone ko. Nagba baka sakali akong magtext ulit siya. Miske sabihin niyang wrong sent lang iyong message ay okay na ako. But then again I wouldn't want that.

"Wrong sent? As far as I know ikaw lang ang Natalie na kilala namin."

Napatingin ako sa gawi nina Rina, at nakita kong parang may hinahanap si Avi. Hindi ako nakapag-paalam sa kanila at baka ako iyong hinahanap. Nagtagpo ang tingin namin ni Cen at tumango siya. He got the message.

Ang food na nai-serve sa table na ito ang kinain ko. I finished half of it bago ako nagisip muli. Oo nga naman, may pangalan ko iyong text niya so that text is really meant for me.

"Pero hindi ko maintindihan kasi, Jairus. Anong too fast?"

"Only one way to find out." He smirked.

"Ano? Ask him na naman?" Napairap ako. "Paano kung hindi 'yon mag-reply? Ako ang mab-bother sa huli, and heck no, I wouldn't let that happen."

Nanatili ang ngisi ni Jairus sa kanyang labi. Hindi na siya nakasagot dahil may kaunting commercial at kaganapan sa harapan. Nagbibiruan si Tito Mitchell at Tita Deva. Anila ay mag-praktis daw sila ng wedding vows para hindi na magkamali sa mismong kasal.

Nangiti ako at nakalimutan ang mga problema ko. Sa nakikita ko ngayon ay parang ang saya talagang mag-mahal. Sobra talagang blessing ang love na natataggap mula sa taong nakapaligid sayo. Andd this is what I love about our family. Punong puno ng pagmamahal. Kaya noong una, noong unang una pa lang ay sakto na ako sa love life ko. Zilch. Ngunit masaya, kasi alam kong loved pa rin ako ng pamilya ko.

Nasa kalagitnaan ng wine toasting ang lahat nang kinalabit ako ni Jairus. Lumapit siya sa akin at bumulong.

"You want Brian's answer? Ask him now." Idinirekta niya ang tingin ko patungo sa arch na malapit sa fountain.

Doon ko siya nakita. Saktong sakto ang pagtingin ko sa pagtatagpo ng aming mata. Suot niya ang pinili kong itim na top sa kanya noon. Nakataas ang buhok niya na nagpalakas lalo ng kanyang appeal. Dyan ka lang sa dark, Brian. Baka may magka-crush pa sayo rito.

"Dude!" Rinig kong tawag ni Jairus sa kanya. Hindi nawala ang koneksyon ng mata namin habang papalapit siya sa amin. Pero ako ang unang nagtanggal ng tingin dahil alam kong hindi magiging maganda ang epekto noon sa'kin.

The Exes Club (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon