Chapter Twenty-Five

4.8K 143 11
                                    

CHAPTER TWENTY-FIVE

Next time

Higit higit ako ngayon ni Yas papasok ng Multi-Purpose Hall para sa session na naman sa Exes Club. Ayoko na sanang pumunta ngayon dahil may homework ako at magrereview sana.

"I know you can do very well sa quiz mo, Natalie. So don't you dare ditch this after what had happened yesterday!" she nearly yelled.

Naiwan si Ran sa sasakyan dahil ihahatid na rin naman niya yata si Yas home after niya akong kaladkarin papasok dito.

"There's no point in coming. Late na rin naman ako eh." sinubukan kong magdahilan. Totoong huli na ako sa call time dahil nag-overtime ang professor namin nitong huling subject ko na.

"May point. So Natalie, if you don't want me mad right now you'll go on by yourself." Binitiwan niya ang braso ko at tsaka humalukipkip. Tinitigan niya ako na para bang naghihintay ng isasagot ko o ng gagawin manlang.

I bit my lip in annoyance, "Fine! Kung hindi mo lang allowance ang ipinambayad dito eh."

Yas nearly jumped in glee, "Okay! Just tell Ran what time he's going to pick you up, alright?"

"Alright." I rolled my eyes. "Whatever you say."

Hinintay niya muna akong mawala sa paningin niya bago siya umalis. I can still see her walking away. I can back out now, but I've chosen not to... sa ngayon. I just know na darating din ako sa point na kailangan ko na talagang i-give up itong club na ito.

Nadatnan ko ang grupo na tahimik na nakikinig sa sinasabi ni Sharra na nakaupo rin sa tabi ng isang member. Napatigil siya nang makita niya ako. Sandali kaming nagusap at humingi ako ng pasensya dahil sa huli kong pagdating.

Wala naman daw itong kaso kay Sharra dahil nagsasalita pa lang naman siya. Pinahanap niya na ako ng mauupuan bago siya nagpatuloy sa sinasabi niya kanina. Sa tabi ulit ako ni Vinky umupo. As usual ay wala na naman siyang pakielam sa akin. She's wearing the same old depressed look.

Weird but I really want to see her smile. Kitang kita ko kasi ang ganda niya na nakatago sa likod ng gloomy niyang ekspresyon. Gusto kong ngumiti siya kahit isang beses manlang ngayon. But I don't know what to do.

"As I have said, ang pangangaliwa ay hindi lang ang nagiging dahilan ng ng major break-ups." pagpapatuloy ni Sharra, "Maaring kaya siya humanap ng iba ay nakakita siya ng hindi maganda sa iyo, o ng bagay na ikasasakit ng damdamin niya."

Sus, kapag ako nagka-boyfriend talaga, nako! Ibibili ko siya ng helmet at protective gears para hindi siya masaktan. Aalagaan ko pa siya minu-minuto.

"Kaya importante sa inyo ang pagiging open sa isa't isa. Kahit nasa relasyon na kayo ay kailangan naroon pa rin ang friendship. Hindi dapat iyon mawala dahil mas nagiging healthy ang relationship kung kumportable kayo sa isa't isa para nasasabi niyo kung ano ang nasa isipan niyo. Iyon bang mga gusto at ayaw niyong ginagawa ng bawat isa. In that way ay mayroon kayong magandang connection at pagkakaintindihan."

The Exes Club (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon