Chapter Eleven

5.4K 132 5
                                    

CHAPTER ELEVEN
Talk

"Do not ignore your instincts! Kapag nararamdaman mong may mali you should check up on him. It may sound clingy but hey, you only care for the both of you."

Tuloy pa rin ang pagt-talk ni Sharra na ngayon ay nakaupo na. Halos lahat sila ay seryosong nakikinig sa bawat salita ni VP. At ako? Siguro nakikinig pa rin ako pero hindi ko masyadong dinadamdam. Hindi nga ako broken hearted, e! At lalong wala pa akong karanasan sa pagibig.

"Huwag magtatampo kapag hindi ka niya ipinakikilala sa mga kaibigan niya. It doesn't always mean that he is not boastful of you. Minsan ay talagang protective at selfish lang sila. Lalo na't uso na uso ngayon ang panunulot."

Really? Hindi ba kung mahal talaga ng isang tao ang other half niya ay hindi siya magpapasulot? O, sadyang malakas lang talaga ang pwersa ng temptasyon?

Narinig ko ang mahinang paghikbi ni Vinky sa tabi ko. Gusto ko sana siyang i-comfort dahil naaawa ako sa mata niya at sa eyebags niyang mabigat pero hindi ko na ginawa. Hindi naman kami close.

"I hope this is not much offensive but sometimes the blame might be on you." tinukoy niya kaming mga miyembro sa bilog. "Hindi ko pa man alam kung ano ang bawat kwento sa likod ng hiwalayan ninyo, pero alam ko na kahit katiting ay may naging kontribusyon din kayo sa break-up na nangyari."

Maybe she has a point. Pero hindi ba ang kailangan lang naman sa isang relasyon bukod sa pagmamahalan ay ang pagtitiwala at pagintindi? Pagintindi talaga.

Habang patuloy na nagsasalita si Sharra ay kinuha ko ang phone ko. Hindi naman sigurong masamang magtext? Wala rin namang sinabing bawal. Itinext ko ang dalawa.

To Ran; Yas
GUYSSSS! This is rly killing me. I can't even relate! Plus, gutom na gutom na ako. Hindi ba kayo naaawa kay Natalie? :(

I put my phone on vibrate so as to not catch their attention. Lahat pa naman ay nagi-emo rito at baka masira ang mood nila sa alert tone ko. Nang ibinaling ko ang atensyon ko sa kanila ay nakita kong may kino-comfort si Sharra na isang babaeng umiiyak. Hindi ko naman narinig kung anong rason ng drama niya kaya I just shrugged it off.

Maya maya ay nagreply na ang dalawa.

Ran
We're actually eating right now, Nat. Sarap, shet!

Biglang napakalam ang tiyan ko sa nabasa ko. Nakakainis! Sana manlang ay nakanakaw ako ng saging kanina sa bahay bago umalis.

Yas
This is so much fun, Natalie. :p Hope you're having fun, too, there. Don't waste it! See 'ya later. :*

Dahil sa inggit ko sa kanila ay hindi na ako nagreply. Baka mamaya ay lalong magalburuto ang tiyan ko at mapatakbo na lang ako paalis dito para kumain.

Tinignan ko ang oras at twelve noon na. Matagal tagal na rin pala akong bored dito? Gusto ko na talagang umalis. Inip na inip na ako. I think this idea is, well, okay kung may love life ako ngayon dahil at least ay natututo ako. Ngunit wala naman talaga. Kahit gusto ko mang ipilit na meron talaga ay malayong malayo na 'yon sa katotohanan.

The Exes Club (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon