CHAPTER TWENTY-THREE
Chicky
I took a sip from my smoothie and felt the same old brain freeze that I loathed. Lunch time ko ngayon at magisa akong kumakain dito sa tahimik na cafeteria. Habang kumakain ako ay naka-focus ang mata ko sa notes ko dahil may quiz na naman ako in less than fifteen minutes.
Matapos kong kumain ay nagmadali ako sa pagaayos ng gamit dahil naisip ko na baka nandoon na ang prof. Kaya lang sayang ang pagmamadali ko dahil may nagsabi na mal-late raw nang kaunti si prof.
Hindi na rin ako nagreview dahil kailangan ko ring ipahinga ang isip ko at baka mamaya ay tsaka pa ako mamental block. Kinuha ko ang phone ko para maglaro na lang muna ng 2048. Ilang minuto rin ako naglaro pero wala pa ring dumarating na prof.
Tinanong ko na itong katabi ko na siyang nag-announce na mahuhuli nga si prof. "Ano raw meron kay ma'am?"
"Hindi ko rin alam, nagmamadali pa siya kanina nung nakausap ko."
Mauubusan kami ng oras nito kapag nagkataong dumating pa si prof. at magpaquiz. Napailing na lang ako at bumalik sa paglalaro sa phone ko.
Bigla kong naalala iyong nagtext sa akin kagabi. Binalikan ko 'yong number at nagtanong tanong sa mga classmates ko rito kung kilala ba nila ang may ari nito.
"Jusme, taong tabon ba 'yang nagtext sayo? Ba't walang nakakaalam?" sagot ni Miles na may titulong Miss Congeniality dito sa Summerridge.
Tumawa ako. Magiging hopeful na sana ako na si Brian ito pero may number niya kasi ako. Kinuha ko sa Facebook noong hindi pa ito naka-private. Hihi! Kailangan kong maging mabilis sa informations ano. Hihihi.
Pero just to make sure, "Miles, pahiram ng phone."
"Sure! Tignan mo na lang ang groups kung may gusto kang kunin na number from different Faculty." kinindatan niya ako. Binigay niya sa akin ang phone niya at umalis sandali para makipagdaldalan sa isang grupo.
Tinawanan ko na lang siya. The forever so friendly Miles.
At gaya nga ng sabi niya ay pumunta ako sa contacts at sa groups. I tapped the Eng'g at hinanap kung may number ba rito si Brian. Just making sure lang na parehas ang number na narito at sa number na nakasave sa phone ko.
I compared the numbers only to find out that there's nothing different. Parehas ang narito sa phone ni Miles at sa nasave sa phone ko. Okay, masyado na talaga ang pinapaasa rito ha.
Saktong may nagtext sa phone ko nitong pagka-lock ko pa lang dito. At galing na naman siya from the unknown number.
Unknown Number
Hi.
Wala manlang smiley? Why so serious, man? Tulad ng kagabi ay hindi ako nagreply dahil baka magkataong humaba ang conversation. Wala rin naman akong pakielam na malaman dahil hindi nga siya ang gusto kong magtext sa akin! Well, kung sino man ito.
BINABASA MO ANG
The Exes Club (Chase Series #1)
RomanceI said Brian was my boyfriend just so my friend and half of my family would leave me alone from finding my own perfect guy. Naging boyfriend ko si Brian nang hindi niya alam. He's my instant boyfriend. More like, emergency boyfriend. Nagbreak "kuno"...