CHAPTER TWENTY-NINE
Can't
Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin siya gumagalaw ngayon. O, nagsasalita manlang. Alam kong gulat din siya sa pangyayari ngayon. Pero please, gumalaw naman siya kahit kaunti. Nanghihina ako eh.
"N-Natalie."
Napaiwas ako dahil doon. Parehas na naman kaming tahimik. Napansin ko kung paano niya sinubukang magsalita pero ang lahat ng attempt na iyon ay nauuwi sa pag-tikom ng bibig niya. Natauhan lang kami nitong tumahol si Oreo.
"S-Sorry. I'll just-," Umiwas siya, "Ah, sht."
Yeah right, Brian. S-word! Your cuss still sounded hot. Humarap ulit siya sa akin.
"Magbibihis lang ako, Nat. Pasok ka na rin muna."
Hindi ako nagdalawang isip na pumasok kaagad. Although dapat kanina ko pa ito ginawa. Kaya lang hindi ko na alam ang nangyari sa akin noong nagtama ang mga mata namin kanina. Hindi talaga ako makagalaw. I was stoned standing.
Umupo ako sa tabi ni Tita Lisa habang si Brian naman ay napatakbo paakyat ng hagdan nila. Hindi man sabihin ay alam kong naguguluhan ngayon ang mga tao sa amin. Para bang may malisya na naman sa tingin nila. O, ako lang ang nagiisip nito dahil sobra pa rin ang bilis ng pagtibok ng puso ko.
Gad, first time kong makakita ng ganoong kagandang katawan ng isang lalaki. Gad again! I shouldn't be thinking about it now.
"Natalie, hija, ayos ka lang ba?" nagaalalang tanong ni tita sa akin. Marahan niyang hinahaplos ang likuran ko. Tumango naman ako.
"Why are you red, Nat?" nakangisi pa rin ngayon si Briella.
Napaubo ang daddy nila kaya't napatingin kami. "Stop bothering our guest, Briella."
Agad akong sumingit, "Ay, hindi naman po." Ngumiti ako kahit hindi ito umabot sa mata ko. Nahihiya pa rin ako. Hindi kasi ako sanay sa mga ganito.
"See, dad?" nagtaas-baba ang kilay ni Briella sa daddy niya.
Mabuti ay bukas ang TV nila kaya nalibang ako habang naghihintay. Naguusap din kami ni Briella at ni tita Lisa, small talks ba. Si Tito Brandon naman ay pangiti ngiti lang sa kakulitan ng mag-ina niya habang nagbabasa ng newspaper.
Saktong commercial ng palabas nang bumaba si Brian. Mukhang naligo siya kaya natagalan. Umupo siya sa tabi ko kaya naamoy ko kung gaano siya kabango lalo na kapag bagong paligo. Goodness!
Bahagya ko siyang nilingon at ngitian. Habang siya naman ay suot niya ang malapad niyang ngiti na halos nagpapikit sa kanyang mata. Chinitong chinito.
"Hi." nakangiti niyang bati.
I think I'm crazy, pero mas lalo akong nahuhulog kapag binabati niya ako nang ganoon. May iba sa boses niya, o sa kanya mismo na nakakapag-trigger ng butterflies sa dibdib ko.
"S-Si Oreo?" ang tangi kong nasabi. Narinig ko ang pag-tawa ni Briella. Napangiti ako nang bahagya dahil doon. Maybe I asked in the wrong timing.
"Maipa-pasyal pa kaya natin siya? Mainit sa labas."
Kung dati ay distracted ako kay Brian, ngayon ay MAS. Naririnig ko kasi ang mahinang hagikhikan ni Briella at ni Tita Lisa. Siguro ay may iniisip sila sa amin ni Brian. Gustong gusto ko nang magsalita at sabihing hindi naman kami ni Brian pero hindi ko pa magawa dahil wala pa nga sa timing.
"Okay lang naman sa akin. May payong naman?" nahihiya kong tanong pero hindi ko inalis ang kaunti kong ngiti.
"Sigurado ka, Nat?"
BINABASA MO ANG
The Exes Club (Chase Series #1)
רומנטיקהI said Brian was my boyfriend just so my friend and half of my family would leave me alone from finding my own perfect guy. Naging boyfriend ko si Brian nang hindi niya alam. He's my instant boyfriend. More like, emergency boyfriend. Nagbreak "kuno"...