CHAPTER TWELVE
ChivalryIt is relieving that Yas didn't try to pry about what had happened in the club yesterday. It's all thanks to Ran. Iba talaga 'yong lalaking iyon. The best!
I am bored today. Wala akong magawa kundi ang maghanap ng magandang channel sa TV, humiga, at kumain kapag nasobrahan na ang pagka bore ko. Wala rin akong makausap ngayon dahil si mom ay busy sa garden and I know she's going to shoo me away if I tend to tamper her beloved flowers. Si dad naman ay tutok na tutok sa kanyang laptop at may sandamakmak paper works na kailangang tapusin.
I sighed. Ilang beses na ba akong nagbuntong hininga ngayon? I really can't count.
"Dad, sasama po ba kayo ni mom sa pag simba today?"
Alas cuatro na kasi at maghahanda na ako for the 5 pm mass ngayon. Kitang kita ko ang nakakadugong ginagawa ng dad ko sa laptop niya at ang mala-bundok na papers na nasa table niya ngayon. How I wish I could help my dad. He's been working too hard. I think he really needs a break.
"Pass muna ako ngayon, 'nak. Ask your mom if she's going with you."
Tumango ako at bumaling na ulit sa trabaho si dad. Lumabas ako sa likuran ng bahay para hanapin si mom. I found her chatting with tita Lai. Hindi ko alam na nandito si tita, saan siya pumasok? Hindi ko naman siya namalayan kanina, ah? I shrugged. Siguro ay dumating siya noong natutulog tulog ako kanina.
"Mom, I'm going to church. Sama po kayo?" tanong ko sa kanya at pati na rin kay Tita.
Kumakain sila ng cake at juice. Bigla tuloy kumalam ang tiyan ko nang maalala kong hindi pa ako nagme merienda. Kaya naman humiwa ako sa piraso ng nasa platito ni mom at kumain. Estimated ko na rin kasing mga quarter to seven na ako makakauwi dito mamaya after the mass.
"Napagod ako, Nat, sa pag garden. I don't think I can go with you today. Masakit, 'nak, ang likod ko." inabot pa ni mom ang parteng sumasakit sa likod niya. Pumunta ako sa likuran niya para marahang masahihin ang parteng iyon.
"I'm on my way home na rin, Natalie. Bibisitahin ko pa si Xih at si Jesca. Baka mamaya ay pinapatay na pala ng anak ko ang aking daughter-in-law." tumawa si tita Lai. "Gusto mo ihatid na kita sa Church?"
Tumango ako. Grasya na iyon at wala akong karapatang tanggihan. Libre pamasahe. At tsaka ayokong nagbabyahe talaga kapag gabi. Wala akong tiwala sa sarili ko.
Naglinis ako sandali ng katawan at nagbihis na kaagad. Dadaan pa raw si tita Lai sa KFC para ibili ng Mashed Potato si ate Jesca kaya kailangan na naming makaalis ni kaagad para hindi ako mahuli sa simula ng misa. Ayoko ring mawalan ng mauupuan. Loner na nga ako tapos tatayo pa? Nako no, no, no.
Humalik ako sa pisnge ni mom at dad bago kami umalis ni tita Lai. Laking pasalamat ko na lang na pumunta sa amin si Tita ngayon, kasi dahil sa kanya ay may free ride ako ngayon. Kung wala si Tita ay baka ma istorbo ko na naman si Ran. Ang hilig kasi ni Ran at Yas ay sa umaga nagsisimba, along with both of their families. Hindi ko naman sila kayang sabayan dahil hindi ko kayang magising nang maagap. Kaya nag settle na lang kami ni mom at dad sa evening mass.
BINABASA MO ANG
The Exes Club (Chase Series #1)
RomantiekI said Brian was my boyfriend just so my friend and half of my family would leave me alone from finding my own perfect guy. Naging boyfriend ko si Brian nang hindi niya alam. He's my instant boyfriend. More like, emergency boyfriend. Nagbreak "kuno"...