Chapter Twenty-Eight

4.4K 138 10
                                    

CHAPTER TWENTY-EIGHT

Can't Breathe

Muntik pa akong hindi makatulog kagabi dahil sa sinabi ni Brian. Pero ano bang ibigsabihin noon? Maganda na ba talaga ako sa tingin niya?

Maganda tuloy ang gising ko ngayon. Wala na kaming napagusapan kagabi bukod sa good byes na iyon. Ni hindi na rin ako nakapagsalita. Nag-breakfast ako kaagad. Matapos noon ay diretso ako sa bathroom para mag-moisturize ng face at magbrush bago maligo.

Nitong pagkabihis ko ay may narealize ako. Hindi niya sinabi kung ano ang plano ngayon. Hindi ko rin alam kung anong oras ko siya sasamahan na ipasyal si Oreo.

Nagbukas ako ng Messenger para tignan kung may message ba doon si Brian. Pero wala akong natanggap. Ang last login niya ay yung oras pa rin kung kailan siya nagoffline kaninang madaling araw.

Natapos na rin akong maglunch pero wala pa rin siyang message sa akin. Siguro ay hindi na kami tuloy? O hindi na niya ako isinama? Sige... okay lang.

Io-off ko na sana ang wifi ng phone ko pero may nagmessage sa akin sa messenger ulit. Tinignan ko ito at nakita ko ang chathead ni Briella.

Buti pa si ate. Hihihi. Ate.

Briella Salazar: Good thing you're online, Natalie!

Good thing daw? Bakit naman kaya?

Me: Yep! :)

I hope that isn't much of a conversation killer. Hindi ko lang talaga alam kung ano ang irereply ko ngayon. Alam kong minsan na rin kaming nagkasama ni Briella pero hindi ko rin namang masasabing close na kami kaagad.

Briella Salazar: I heard you're going with brotha today para i-walk si Oreo?

Me: Hindi ko nga alam kung tuloy pa 'yon. Bakit?

Briella Salazar: Oh, it's def tuloy!

Napangiti ako at napakagat sa labi ko.

Briella Salazar: Actually he's planning on picking you up at your place but I have something better in mind. ;)

Mas lumawak ang ngiti ko ngayon. May plano talaga siyang sunduin ako rito?

Me: What do you have in mind?

Briella Salazar: I know this will be a bother, Nat. Pero pwedeng ikaw na lang pumunta sa amin now? My brotha's kind of busy as of the moment eh. PLEAAAASE? :(

Tinignan ko ang oras. Ala-una na rin pala. Maipapasyal pa kaya namin si Oreo ngayon? Mukha kasing mas iinit pa mamayang hapon. Pero pumayag na rin naman ako kay Brian kagabi kaya sige, push ko na 'to.

Me: Why not. Pupunta na ako. :)

Briella Salazar: Great! Are you commuting? Why don't I pick you up instead?

Me: Hindi na. I know the way naman na eh. Okay lang.

Nakakahiya naman kasi. Plano namin (shet, namin) ito ni Brian tapos maabala ko pa siya.

Briella Salazar: If you say so. Sige, Nat. I'll see you here! :)

Kinilig na naman ako. She called me Nat. Oh my goodnez. Kailangan ko na rin talagang mag-ayos ngayon. I am going, for the second time, sa bahay nila. Napatigil ako sa paghahanap ng damit nang maisip ko; nasa bahay kaya ang parents nila ngayon? Bigla akong nahiya.

But I can't just back out now. Pinili kong magshorts na lang ngayon dahil alam kong mainit, tapos simpleng tshirt lang. Itinali ko ang buhok ko bago ako nagsuot ng hairband dahil sa makukulit kong bangs na nakaharang sa mata ko.

The Exes Club (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon